Pia, engaged-to-be married

 

AFTER the break-up of Pia Guanio and Vic Sotto, never nating nakitang nagkaroon ng tension between the two.

Vic is  such a perfect gentleman.  He keeps his sanity by not talking or spilling the beans about his lovelife.

Pia, on the other hand, keeps her dignity by not showing any sign that she has been affected by the breakup. Patuloy pa rin siyang nagtatrabaho sa "Eat Bulaga,"  and she  could stand or sit beside Vic na parang walang nangyari sa kanilang dalawa.

Recently, we heard that her current boyfriend (a non-showbiz guy) has asked her hand in marriage from her parents. Now, engaged-to-be-married na si Pia. Wala pa lang definite date kung kailan siya pakakasal.

And Vic? Well, loveless man daw siya ngayon, ang importante, maraming taong nagmamahal sa kanya.

CAT, KAILANGAN NG MGA ARTISTA

NAGPATAWAG  ng  isang press conference ang PNTC Colleges Manila sa 4th floor ng Intramuros Corporate Plaza Bldg.,  Recoletos St., Intramuros, Manila. No less than its president, Atty. Hernani N. Fabia and VP for Corporate Affairs, Frederic Pios ang humarap sa amin to discuss ang bagong  course na ino-offer  nila sa Maritime Training Department.

Kung tawagin ito’y Certified Accounting Technician (CAT) na bubunuin lamang sa dalawang taon.  Ito ay magtuturo ng isang bagong technology sa Pilipinas subalit malaganap na sa Australia at United Kingdom upang i-explore ang lawak or expertise in accounts or bookkeeping sa lahat ng industriya  at sector.

Kailangan ito ng mga artistang gustong mag-aral pero hindi kaya ang isang four-year course dahil sa pagiging busy.

To be a  certified accounting technician (CAT) assures you and your future employer  ng isang world-class na kaalaman  sa accounting.

Ang pagkakaroon ng certificate ng CAT ay may parehong level tulad  sa mga bookkeeper at CPA.

Kasama sa aralin ang basic accounting examination upang ma-enhance ang skills in journalizing up to preparation of financial statements, adjusting entries, and correcting entries. Gayundin ang examination on basic skills in payroll processing and preparation  of remittances such as SSS, PhilHealth, DDMF, and taxation accounting which includes examination  on basic skills in preparation of various business tax returns  such as value added tax (VAT), percentage tax and income tax.

For details,  call 526-2209 or visit PNTC Colleges-Manila in Intramuros.

LAUGHTER TO THE HIGHEST LEVEL

KATATAWANAN to the highest level every Saturday night ang handog ng "Comedy Bar"  with Alllan K.  kasama sina Rufa Mae Quinto, Fabio Ide, Six Feet Long Band and Beergins.  Isang sexy female band vocalist, si Zuri ang magpi-perform sa opening number. May documentaryo si Fabio para sa kanyang mga suki  tungkol sa isang fiesta game dito sa Pilipinas.

Samantala, kasama rin bilang guests sina Peter Serrano,  Mang Enriquez at Dominic Rocco. Ang mga baguhan namang sina Rey Mañalac at James ang magpapakitang gilas sa mga manonood ng "Comedy Bar" ngayong Sabado ng gabi sa GMA7.

UMAANI NG PAPURI

PATULOY ang pag-ani ng mga papuri ni Senator Bong Revilla bilang host ng "Kap’s Amazing Stories" tuwing gabi ng Linggo sa GMA7.

Narito ang ilang katanungang sasagutin ng show: Meron ka bang mapapala sa kuwebang binabaha? Gagala ka pa ba  sa gabi kung  panganib ang naghihintay? Handa ka bang maging abo pag ang natapakan mong tubig ay may asido?  Di ka kaya magkautal-utal ‘pag nakakita ka ng kuwebang yari sa kristal? Marami pang  nakakamanghang segment sa "Kap’s Amazing Stories" kaya 'wag kaligtaang panoorin.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC