Nagpaliwanag na si Toni Gonzaga sa hindi niya pagsipot sa awarding ceremony ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation last Tuesday kung saan ay hinirang siya bilang princess of Philippine movies.
Nagkaroon kasi ng speculations na baka may tampo si Toni sa GMMSF dahil nga hindi siya ang napiling box-office oueen para sa pelikulang My Amnesia Girl kundi si Ai-Ai de las Alas for Tanging Ina, Last na ’To.
“Hindi naman! Naku naman po, hindi naman po totoo iyan,” paulit-ulit na paglilinaw ni Toni sa VTR interview niya for SNN.
“May awards night lang po na hindi ako nakakadalo dahil meron po tayong prior commitment.
“Siguro nagkataon lang na may issue or nasabay lang kami na may issue kaya hindi nakarating, pero other than that, wala naman po.”
In fact, very thankful nga raw siya sa parangal na ibinigay sa kanya ng GMMSF.
“Siyempre nagpapasalamat tayo, more than anything else siguro ang pagpapasalamat ko talaga ay sa Star Cinema, sa lahat ng tao na tumangkilik sa pelikulang My Amnesia Girl noong November, kasi kahit isang buwan lang kami, we’re able to receive that kind of reception sa mga tao,” she said.
* * *
Isa si AJ Muhlach sa mga bida ng remake sa TV ng Bagets na ipalalabas sa TV5 starting May 15, 4:30 p.m.
Si AJ ay kapatid sa ama ni Aga Muhlach. Iisa ang ama nilang si Cheng Muhlach at ang nanay naman niya ay non-showbiz na nagngangalang Janet Rivera.
Separated na raw ang parents niya at nakatira siya ngayon sa kanyang ama. Si AJ ay unang nakilala bilang member ng all-male group ng Viva na XLR8 na napapanood sa Party Pilipinas at ngayon ay may sarili na ring hukbo ng fans.
Ayon kay AJ, sobrang saya raw niya na mapasama sa TV remake ng Bagets lalo pa nga’t tulad ng alam ng lahat, ang pelikulang ito na ipinalabas noong 80’s ang siyang pinaka-claim to fame ng kuya Aga niya dahil dito nakilala, tinilian at sumikat nang husto ang aktor.
“Sobrang saya ko po na nakasama ako sa project na ito. Tapos noong pinapanood ko po kanina (ang pilot episode), kinikilabutan ng ako, eh. Ang sarap po kasi ng feeling na pinapanood mo ang sarili mo sa screen, at siyempre ang sarap din ng feeling nung mga isinisigaw (ng fans),” say ni AJ nang makapanayam namin after ng press screening ng first episode na ginanap sa Podium last Thursday night.
Kapansin-pansin din na hindi sila magkahawig ni Aga at aminado naman siya. Kayumanggi kasi si AJ while ang kuya niya ay tisoy. Say nga niya, sa dimples lang sila nagkapareho ng kanyang eldest brother.
Siyempre, dahil kapatid siya ni The Aga Muhlach, ang numero unong itinatanong sa kanya ay kung kaya ba niyang ma-duplicate ang tinamong kasikatan ng kanyang kuya mula noong Bagets days nito hanggang sa ngayon na isa pa rin sa ating top actors.
“Idol ko po si Kuya Aga, hindi ko po naiisip na mapapantayan ko man lang si Kuya Aga. Sobrang taas po ng tingin ko sa kanya pagdating sa acting saka sa kasikatan niya. Kung baga, kung may gagayahin man ako, si kuya Aga na po ‘yun.
“Ilang years na siya dito sa industry, sikat pa rin siya. Iba po si kuya Aga,” say pa ng young actor na member din ng all-male group ng XLR8.
Sobrang dream daw niya na makasama si Aga sa isang project at may tsika ngang magge-guest ang aktor sa Bagets TV series kaya looking forward si AJ.
“Kahit po isang sequence lang kasama si Kuya Aga, okay lang, sobrang saya ko na. Kahit sandal lang po, okay lang,” say pa niya.
Hindi naman malayong magkatotoo ang dream niya dahil as we all know, lumipat na rin si Aga sa TV5 kaya nasa isang network na sila ngayon.
Anyway, bukod kay AJ, kasama rin sa cast ng Bagets sina Nadine Lustre, Josh Padilla na anak ni Gino Padilla, Shy Carlos, Rico dela Paz, Johan Lourenz, Eula Cabllero, Aki Torio, Meg Imperial at marami pang ba mula sa direksyon ni Mark Reyes na hiniram ng TV5 mula sa GMA-7.