Nai-tweet ni Wilson Flores na bago ang engkwentro ni Iwa Moto at ng ex nitong si Mickey Ablan sa GMA Studio last Thursday, nakita ang actress sa Tomas Morato malapit sa Zirkoh na gustong magpasagasa sa mga sasakyan.
Mabuti at hindi pinagbigyan ng drivers ang gusto niya.
Hindi raw nakilala si Iwa ng mga tao at ang mahilig lang sa showbiz ang nakakilala sa dalaga.
Matagal nang may problema si Iwa sa kanyang ex at sa mga nangyayari, panahon na para tuluyan silang maghiwalay.
Nasa GMA Network last Thursday si Iwa dahil nagti-taping ng Andres de Saya.
Sa presscon nito, ang tungkol sa magulo niyang lovelife ang itatanong ng press.
* * *
Bago pa man ang presscon ni Ai-Ai de las Alas para sa Flawless, nakataas na ang three billboards niya sa kahabaan ng EDSA na nililingon ng tao para masiguro kung ang comedy queen nga ang kanilang nakikita.
Sabi ni Ruby Coyuito, sa June, may ilalabas ang Flawless na isa pang billboard.
Dumating si Ai-Ai sa presscon na naka-shorts gawa ni Maxi Cinco at ipinakilala ni Ruby as “their gorgeous” endorser.
Ipinagmalaki naman ni Ai-Ai na epekto ng Skinlift Nutraceutical Tablet at Anti-Aging Product ang kanyang alindog at malaki ang pasasalamat sa Flawless, “dahil ngayon, kasama na ako nina Kris (Aquino) sa palakihan ng billboard. Hindi makapaniwala ang tao na ako ’yon,”sabi ni Ai-Ai.
Inamin niya na may photoshop ang billboard niya, pero inalis lang ang tattoo niya at pinaputi siya nang konti.
The rest, natural na niya at walang binago si Jun de Leon.
“Yes” agad ang sagot nito kung siya ang pantapat ng Flawless sa kaseksihan ni Ruffa Gutierrez sa sexy Belo billboards nito.
* * *
Panalo ang one-liners ni Rich Asuncion na ipina-interview ng GMA Artist Center para i-promote ang May issue ng FHM magazine at ang Sisid.
Sa tanong kung bibigyan niya ng copy ang ex niyang si Aljur Abrenica, “bumili siya” ang sagot” ng dalaga.
“Bumili siya kung gusto niya” naman ang sagot kung bibigyan si Kylie Padilla (nali-link kay Aljur ngayon) ng mag.
Bilib ang press kay Rich dahil up to now, napanindigan na never naging sila ni Aljur.
At least, ang actor naman ang nakatikim kung paano i-deny. Hahaha!
Hirit pa nito, baka ang sister niya ang type ni Aljur dahil kinausap nang magkita kamakailan.
Masisilayan ang kaseksihan ni Rich ’pag umere na ang Sisid, kung saan kontrabida siya ni Jackie Rice, at dahil hindi puwedeng mag-taping si Jackie dahil naka-cast ang paa, baka madagdagan ang mga eksena ni Rich.
* * *
Magsisimula na ngayong Sabado, 8:15 a.m., ang My Chubby World, isang educational show for children hosted by Renz Valerio, Zyrael Jestre, Gianna Cutler at Daniela Amable sa direction ni Don Michael Perez.
Sina Renz at Daniela, madalas gumanap na mga batang artista sa soap ng GMA-7.
Naging young Kris Bernal, young Rhian Ramos, young Sam Pinto at young Iza Calzado na ang bagets na produkto ng German father at Pinay mother at marunong siya ng konting German.
Proud ito na dahil sa showbiz, may two-storey, two-bedroom house na siya sa Cavite.
Sa acting unang nakilala ang apat na bagets at ngayon, susubok sila sa hosting at every week, tungkol sa top seven things na gusto ng mga bata ang ipi-feature.
Sa pilot episode, ang top seven activities na gustong gawin ng mga bata ’pag summer break ang kanilang topic.
Sa pakikipagtulungan sa Rebisco’s Chubby Candy ang My Chubby World.
* * *
Si Dingdong Dantes ang celebrity guest host ng episode 3 ng Mind Master na Heart and Mind.
Patutunayan ng Pinoy Mind Master na si Nomer Lasala na ito na kayang pagtagpuin ang puso at isipan na sinasabing hindi kailanman mangyayari.
Mentalism acts that focus on love ang isa-sample ni Nomer sa guests na sina Louise delos Reyes at Alden Richards.
Gagamitin din ng twins na sina MM at MJ ng XLR8 ang mentalism para maka-score ng date with a stranger via distant thought transfer.
Special guest si Marian Rivera at gagawin ni Nomer sa kanila ni Dingdong ang psycho kinetic touch.
Napapanood ang Mind Master sa GMa-7, Saturdays after 24 Oras Weekend sa direction ni Louie Ignacio.