NAGING bayolente at madugo ang lovers’ quarrel nina Iwa Moto at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Mickey Ablan.
Sinugod ni Ablan ang aktres sa taping at itinakbo ang cellphone nito. Tinangka umanong humabol ni Iwa ngunit nadapa siya.
Binuweltahan ng aktres ang kotse ni Ablan at binasag ang salamin nito. Duguang isinugod ang aktres sa ospital dahil sa tinamo niyang mga sugat sa kamay at tuhod.