MARIAN Rivera feels elated having been chosen celebrity endorser ng Philippine National Red Cross (PNRC). Thanks to Mother Lily who, together with daughter Roselle Teo, is now board member of the board of director ng PRC Quezon City chapter.
“She asked me one day, while I was shooting for the movie Temptation Island, which Mother Lily is producing for her own film firm, Regal Entertainment, if I could help them with the PNRC.
“Tanong ko sa kanya: “Sa paano pong paraan?” sabi ni Marian. “Iyon nga daw, for me to agree to be the organization’s celebrity endorser.
“My God, I had always admired the PNRC for their numerous advocacies. To be asked, rather to be invited to be part of the organization. I thought this was my chance to pay back sa lahat ng magandang bagay na ibinahagi sa akin ng Diyos,” pahayag ni Marian.
For her first project for the PNRC, Marian said she will join the fun run which the organization is organizing para makalikom ng pondo amounting to P1 billion, Yes, one billion pesos, na gagamitin para sa training-program ng mga volunteers at pambili ng life-saving tools na kailangan ng Red Cross.
Bukod sa pagsali sa fun run, balak din ni Marian na imbitahan ang kanyang collegues sa industry na mag-participate sa magandang adhikaing ito. Yes, particularly ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes sa maraming krusada na may kinalaman sa kawanggawa.
“Dati follower lang ako,” sabi ni Marian. “This time, I want to be in the forefront naman.
“I am glad, pinagkakatiwalaan ako ni PNRC Chairman Richard Gordon. Nakikita at nadarama ko ang sincere niyang hangaring makatulong sa abot ng kanyang makakaya sa mga nangangailangan. Lalo’t sa mga may sakit.
“Ito rin ang nakikita ko kina Mother Lily at sa kanyang anak na si Ma’m Roselle.
“I hope to be as involved with the organization as they are,” patuloy pa ni Marian.
* * *
Balak pala ni Rachel Alejandro at ng kanyang bagong mister na si Carlos Santamaria to live in the U.S. once inilipat ang assignment nito doon.
Isang journalist si Carlos at kaya lang siya nandito ay dahil dito siya in-assign ng publication na kanyang pinagtatrabahuan.
Tubong Spain si Carlos at habang nagku-cover ng mga report dito sa Pilipinas which, in turn, inire-report niya sa kanilang dyaryo abroad, nagkakilala sila ni Rachel na nauwi naman sa pag-ibigan.
Ikinasal ang dalawa sa Boracay noong April 16. Iilang piling kaibigan lang ang kanilang kinumbida sa kasal at reception which took place later.
For their honeymoon, the newly weds spent a one-week vacation in beautiful Maldives.
Dati, madalas binabanggit ni Rachel na kahit siya magkaasawa, wala siyang balak magkaanak. But now, she changed her mind.
“Tingnan natin,” anang talent manager ni Rachel na si Girlie Rodis.
Rachel and GR have been talent manager for two decades now.