Pokwang's new digs

 

Kalilipat lang ni Pokwang sa kanyang bagong ipinatayong bahay sa Antipolo rin kung saan niya binili ang kanyang unang house and lot.

Maliit lang daw kasi ’yung dating house na nabili niya at ni hindi nga raw siya makatanggap ng marami-raming bisita, kaya she opted to buy another lot na malaki-laki at siya na ang magpapatayo.

Pero maloloka ka naman sa bagong bahay na ipinatayo ni Pokey dahil apat na palapag ito at malaking halaga na ang kanyang nagagastos.

“Nakalipat na ako, kaya lang, hindi pa gawa ’yung prayer room, ’yun ang pinakaimportante,” sey niya.

Take note, walo ang kuwarto ng bahay unlike sa dating bahay na nagsisiksikan sila. May tig-isa silang kwarto ng anak niya at mayroon din daw siyang ipinagawang room para sa yumao niyang anak years ago.

At least daw ngayon ay puwede na siyang mag-accommodate ng mga kamag-anak niya sa probinsiya na bumibisita sa Manila.

Ayon kay Pokey, sa real estate raw talaga niya gustong mag-invest. Wala raw siyang hilig sa mga mamahaling damit, bag and shoes or even jewelry at ang gusto niya ay magpundar nang magpundar ng property.

Lahat ng ito ay ginagawa naman daw niya para sa kanyang anak na si Riemae. Para at least nga naman, secured na ang future nito anuman ang mangyari.

Napag-usapan na rin lang ang kanyang anak, natanong namin kung true ba o biro-biro lang ang isyung panliligaw ng komedyanteng si Ryan Bang kay Riemae.

Natawa si Pokey. “Naku, crush na crush daw niya ang anak ko. Gusto raw niyang umakyat ng ligaw sa bahay namin. Sabi ko, sige eto address, nililigaw ko nga,” natatawang sabi ng komedyana.

Ang siste pa, crush din daw ng anak niya si Ryan.

“Kasi ’yung anak ko naman, nakukyutan sa kanya. Sa PBB pa lang, tawang-tawa sa kanya ang anak ko. Pero sabi niya ’pag tinatanong ko,“ ang bata-bata ko pa, eh.”

Nakita raw ni Ryan ang anak niya sa Star Magic Ball at nagandahan naman daw ang Koryanong ex PBB housemate.

“Tinanong niya ako kung puwede niyang ligawan ang anak ko, sabi ko, mag-ipon ka muna. Kaya tuwing nagkikita kami, ‘o, magkano na naiipon mo?’ Sasagot naman siya, ‘malaki na,’” kuwento ni Pokey.

Pero 13 years old pa lang ang anak ng komedyana kaya mukhang matagal pa ang hihintayin ni Ryan.

* * *

Ipinaglalaban ng dating EB Babes at ngayon ay member ng Mocha Girls na si Mae dela Cerna ang RH Bill.

“Sinusuportahan po namin ang RH Bill kasi po naniniwala kami na ang Pilipino ay kulang sa kaalaman sa tamang paraan ng pakikipag-sex at dahil dito po ay dumadami po ang nagkaka- AIDS at STD. Sa kakulangan din ng kaalaman sa sex education ay lumolobo ang populasyon natin at dumadami ang teenage pregnancy

“PRO-RH Bill po ang Mocha Girls kasi sa aming pong pag-iikot sa mga show sa probinsya isa po sa napapansin namin ay dumadami ang teenage pregnancy. Dapat talaga ituro ang  sex education lalo na po sa mga public School,” pahayag ni Mae.

Ang RH Bill ay pagbibigay sa bawat Pilipino ng tamang kaalaman sa sex at kalayaang magdesisyon sa family planning at pagbibigay ng access ng contraceptive sa bawat Pilipino mahirap o mayaman man,” makabuluhan pa niyang turan.

Anyway, may birthday concert si Mocha Girl Mae sa May 24, 10 p.m. sa Mugen Bar, Metrowalk kasabay ng selebrasyon din ng kaarawan ni Mocha Uson. Launching  na rin ito ng  Mocha Girls as advocate for RH Bill.

Kinuha si Mae sa Mocha  dahil may fan base na ito mula nang manggaling siya sa EB Babes. Ibinoto siya noon na top 2 sa EB Babes Boot Camp Training ng Eat Bulaga. At ngayon ay tinatawag na sweet sexy girl ng Mocha Girls.

"Natutuwa nga po ako sa Mocha Girls dahil nabigyan po ako ng chance na mag-act, dance and especially singing. Dati po sa EB Babes lagi lang po akong nasa likod ngayon po may sarili na akong mga production numbers.

Nagpapasalamat po ako kay Mocha sa tiwalang binigay nya sa akin. Part na rin po ako ng Blog ni Mocha na naglagay kay Mocha sa top 4 as most searched local artist sa Google," aniya.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC