Umalis kahapon si Alessandra de Rossi para dumalo sa Cannes Film Festival dahil ang pelikulang Busong sa direction ni Auraeus Solita ay for exhibition sa Directors’ Fortnight Official Selection. “Rarampa lang sa Cannes” ang birong sabi ni Alex na kasama ang buong team ng movie at sa May 18 ang balik niya.
Sa Puerto Princesa kinunan ang pelikula for nine days at sabi ni Alex, para lang siyang nagbakasyon. Ang Busong o Fate ay istorya ni Punay (Alex) na ipinanganak na puno ng sugat ang katawan, hindi makaapak sa lupa at laging nasa duyan at may butterflies sa katawan. Habang dumarami ang sugat, lalo siyang gumaganda.
Kuwento ni Alex, ayaw niyang tanggapin ang project dahil nang tawagan siya ni Direk Auraeus last December 27, 2010 ay gustong mag-shooting sila ng January 1, 2011. Mabuti na lang at nag-adjust ng shooting sked, pero gusto niyang gawin ang movie kahit hindi pa nababasa ang script.
Sobrang thankful si Alex kay Oliver Tolentino na siyang sponsor ng four gowns na gagamitin niya sa Cannes at ang pang-rampa niya sa red carpet ay kulay green. Wish ng aktres na makita sina Brad Pitt at Angelina Jolie sa Cannes.
* * *
Pumirma ng exclusive contract sa GMA Network si Mikael Daez last Wednesday. Guaranteed two shows a year ang two-year plus one year contract ang pinirmahan ng binata with option to renew, kaya aabot ng six years ang kontrata niya.
Unang napanood sa Spooky Nights si Mikael at mapapanood sa Amaya na hanggang October ang airing and after this, may naka-line-up ng project sa kanya. Mapapanood din siya sa Temptation Island na co-produced ng GMA Films at Regal Films kapareha ni Solenn Heussaff at lover ni John Lapus. Gusto niyang mag-concentrate sa hosting at drama at ito ang ibibigay sa kanya ng GMA Network.
Sa tanong kung ano ang feeling na maging Kapuso, ang sagot ni Mikael, “So far, I’m really happy, masaya ang experience ko, I learned a lot in terms of work. My biggest adjustment is learning how to act.”
Present sa contract signing ni Mikael sina Atty. Felipe Gozon, Atty.Annette Gozon-Abrogar at Jonas Gaffud ng Mercator Model Mgt. na manager niya.
* * *
Matutuwa ang Team Louise delos Reyes at Paulo Avelino sa Alakdana dahil silang dalawa bilang sina Adana at Billy ang magkakatuluyan sa pagtatapos this Friday ng soap. Naging maganda ang pagtatrabaho ng dalawa at wish nilang magkasama uli sila sa future projects niya.
Nagkaroon ng chance si Paulo na makatrabaho si Jean Garcia na nakaka-intimidate raw ang husay, mabuti at sumabay siya sa level ng aktres. Magkasama rin sila sa indie films for Cine-malaya kasama si Rocco Nacino.
Okey na si Paulo nang aming ma-interview after magkasakit, thankful ito na hindi naapektuhan ang taping ng Adana, pero ang Temptation Island na first movie niya dapat ay hindi na niya nagawa at nanghihi-nayang ang actor.
* * *
Hindi problema kay Carl Guevarra kung kontrabida siya sa Blusang Itim, pero in-assure raw siya ng production na hindi bad guy ang role niya bilang si Melchor.
“If ever kontrabida ang role ko, okey lang, basta may trabaho. Suwerte nga ako n sunud-sunod ang projects ko at gusto ko ma-experience ang lahat ng role.”
May idea si Carl sa Blusang Itim dahil napapanood niya ang movie sa Cinema One when he was 13 years old. Hindi niya akalaing masasama siya sa TV version nito at kahit ilang araw pa lang siyang nagti-taping, enjoy na siya, lalo’t may fight scene.
Sa Monday, after Eat Bulaga magpa-pilot ang Blusang Itim sa direction ni Jay Altarejos. Ipakikila rito ang love triangle nila nina Kylie Padilla at Frank Magalona.
* * *
Si Janice de Belen ang ipinalit kay Manilyn Reynes bilang si Palayok sa Magic Palayok. Tweet ni Chynna Ortaleza, “Ate Manilyn needs to rest muna, she is pregnant & needs to take care of her baby. Delicate kasi ang pregnancy niya.”
Samantala sa Magic Palayok, alam na ni Cookie (Angelina Sanoy) na si Richard James ang tunay niyang ama, pero sabi ni Yvonne (Cherie Gil), patay na ang tatay niya at kukunin niya ang bata dahil siya ang legal guardian.
Magpa-file ng custody case si Jude (Geoff Eigenmann) para makuha si Cookie na kinuha muna ng DSWD at ilalagay sa foster home si Cookie. Nalaman ni Jude na mahihirapan siyang kunin ang bata dahil binata siya, kaya magpo-propose siya kay Pilar (Carla Abellana).
* * *
Tips kung paano labanan ang summer ang Sa Malamig episode ng Full Time Moms this Friday. Guests sina Rich Asuncion, Julian Trono at Aicelle Santos. Pampaalis din sa init ng panahon ang magician na si JB dela Cruz.
Napapanood ang Full Time Moms sa GMA News TV, 5 p.m., Monday to Friday, hosted by Suzi Entrata-Abrera and Christine Jacon-Sandejas.
* * *
Sa Babaeng Hampaslupa, sinabi ni Charles (Jay Manalo) kay Anastacia (Alice Dixson) na sabay nilang hahanapin ang kanilang anak. Magkasamang natulog ang dalawa at magpo-propose si Charles na tatanggapin ni Anastacia. Magmamakaawa si Harry (Wendell Ramos) kay Anastacia na siya ang pakasalan, pero tumanggi ito.
Hirap si Elizabeth (Karel Marquez) na balikan ang mahirap na buhay. Malalaman ni Edward (Eddie Garcia) na tetestigo si Nato (Alwyn Uytingco) laban sa kanya. Pupuntahan ni Harry (Wendell Ramos) si Katarina (Bing Loyzaga) para maghiganti.
* * *
Sa Captain Barbell, nagawa na nila Nero (Christopher de Leon) ang plano na sirain ang Liga ng Kalayaan at madali itong magagawa kung wala si Captain Barbell. Gustong ampunin nina Rose (Jennylyn Mercado) at Dan (Dino Imperial) si Lelay at agad papaya si Lita (Ces Quesada) nang makitang mayaman ang mag-asawa.
Walang malay si Teng na nailayo na si Lelay sa kanya, malalaman nito ang pagpapa-ampon ni Lita sa bata. Masusubukan pa ang tatag ni Teng nang kailanganin sina Teng at Captain Barbell ng sabay sa magkaibang pagkakataon.