Ai-Ai snubs Bieber's concert

 

INISNAB nina Vice Ganda, Elmo Magalona at Toni Gonzaga ang kanilang awards sa 42nd Box-Office Entertaintment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation nu'ng Martes ng gabi sa RCBC Theater.

Inuna nina Elmo at Vice na panoorin ang Justin Bieber concert kesa tanggapin ang kanilang award.

Ang manager ng komedyante na si Ogie Diaz ang tumanggap ng trophy ni Vice habang si Julie Anne San Jose, co-awardee ni Elmo, ang kumuha ng award ng anak nina Francis at Pia Magalona.

Wala naman kaming nakuhang dahilan kung bakit hindi dumating si Toni.

Awardee rin si John Lloyd Cruz na nasa Europe naman daw. So, solo si Bea Alonzo na kumuha ng kanyang tropeyo bilang film actor of the year.

Hindi magkasamang dumating pero sabay namang umalis ang dating lovers na sina Kim Chu at Gerald Anderson.

Solo flight si Coco Martin nang tanggapin ang award at gaya ng show niya sa TV, na-distract na naman kami sa diperensiya niya sa letter S, huh!

Hindi rin nakarating si Vic Sotto upang tanggapin ang Box-Office King award niya katabla si Sen. Bong Revilla Jr.

Pero nagpasabi ito at kinuhanan ng VTR message  na ipinalabas sa programa.

Ayon kay Bossing, ang tropeyo niyang nakuha ay, "Nakakatanggal ng pagod."

Pangatlong Box-Office King award naman na ang napanalunan ni Sen. Bong na sinabi pang naranasan na niyang kumuha ng trophy sa GMMSF na mas malaki pa sa kanya.

Nangako siya sa kaibigang si Sen. Jinggoy Estrada na makakakuha rin siya ng award nitong Most Outstanding Government Service awardee.

Huling binigyan ng award si Ai-Ai de las Alas bilang Box-Office Queen para sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat (Last Na 'To!).

Kahit naglalayasan na ang mga tao, pinasalamatan pa rin ni Ai-Ai ang bumubuo ng samahan pati na ang mga taong patuloy na nanonood ng pelikulang Pilipino.

Ilang oras siyang naghintay para sa kanyang award kahit na nga gustung-gusto niyang manood ng Justin Bieber concert nu'ng gabing 'yon.

Siyanga pala, ngayong Sabado mapapanood ang Maalaala Mo Kaya? episode niya kung saan nakipagkabugan siya kay John Arcilla.

Ngayong araw din ang press launch ni Ai-Ai bilang endorser ng Flawless.

* * *

SUSUBUKANG namang mag-host ng batang aktor na si Renz Valerio sa bagong show ng GMA na My Chubby World na mapapanood ngayong Sabado ng 8:15AM.  Huling napanood ang bagets sa afternoon series na Bantatay kaya naman naiiba namang putahe ang handog niya sa tao.

"Unang-una ko pong gagawin sa TV ang paghu-host na hindi ko pa ginawa. Susubukan namin ang maganda gawin ngayon summer gaya ng Zip Line, sports lesssons," pahayag ni Renz nang makausap namin sa presscon ng show kung saan kasama niya ang mga chil star ding sina Zyrael Jestre ng My Lover, My Wife, Daniela Amable at Gianna Cutler na huling napanood sa Beauty Queen.

Magsisilbing kuya si Renz ng mga batang kasama niya dahil siya ang pinakamatanda.

"Challenging po dahil may kasama ako at ako pa po ang kuya. Ako pa po ang host! Tama lang naman po itong gagawin ko!" sambit ng bagets.

Sabi ni direk Don Michael Perez, si Renz daw ang batang Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

"Siyempre po, masaya ako. Masaya ako na Dingdong dahil guwapo po siya. Dennis Trillo, guwapo din po at magaling ding umarte kaya masaya po ako!"

Katulong ang Rebisco's Chubby Candy sa produksyon ng My Chubby World.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC