TulUy-tuloy na ang paghataw ni Vice Ganda dahil isang buong linggo na siyang mapapanood sa ABS-CBN.
Bukod sa Showtime, sa May 22 (Sunday, after Pilipinas Got Talent) na rin ang pilot episode ng Gandang Gabi, Vice!
"Hindi siya talk show. Isa siyang chat show kung saan tsitsika lang ako sa audience at sa guests. Kasi nga, ’pag Sunday, karamihan, buong pamilya, nasa bahay na sa gabi.
"So para sa kanila 'to. Pampamilya. Good vibes lang. Malaki 'yung responsibilidad ko dahil kailangan, bago sila matulog, mapangiti o mapatawa ko sila.
"At nakakatuwa, dahil ang staff mismo ang nagsabi sa akin na may say ako rito at kung may inputs ako, iko-consider nila.
"Meron din kaming live streaming dito as in online, makikita nila 'yung mga nangyayari backstage. So, wala talagang ‘private moments' dito dahil mapapanood pa rin nila kahit paghatsing ko, pangungulangot ko, pagsigaw-sigaw ko at kung minsan, 'yung tensyon sa katawan ko, gano'n!"
Samantala, out na rin ang tickets sa second major concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum sa July 1. Tumawag lang sa Ticketnet sa 911-5555.
* * *
Nag-tweet kami ng tanong sa followers kung totoo bang bina-badmouth ni Albie Casino ang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann online?
Mahirap kasing para kaming bawang ditong sumasawsaw na wa naman knows kung ano talaga ang nangyari between them.
Ayon sa mga nababasa namin sa Twitter, ang dami nang haters ni Andi porke nag-split sila ni Albie (Christian Torralba sa Mara Clara).
Idinenay ni Albie online na sinampal niya si Andi sa http://www.formspring.me/albiewhoshedid. "So much bull___. I never hit her. Maybe one of her many boys did. Andi's a cheater kasi she has maybe 10 guys. Ao yeah nope not me!"
Parang wala naman sa maamong mukha ni Albie ang manakit ng babae. Saka formspring account ba talaga 'yon ni Albie o poser lang niya para lang mag-create ng issue?
Let's hear it from Andi and Albie.
* * *
Gusto naming makisimpatya kay DJ Mo Twister sa nangyaring pag-iwan sa kanya ni Rhian Ramos, pero hindi namin magawa dahil unang-una, idinenay naman ito ni DJ Mo noon. Kahit ni Rhian.
Tapos ngayong nag-split, saka malalaman ng publiko na wala na sila? At katakutakot na paliwanagan ngayon ang inilalatag ni Mo para mas maintindihan siya ng publiko?
Eh, ’di ba, si Mo, ayaw niya sa taong sinungaling? Na ang kategorya nga niya bilang tv host, hindi siya paaawat sa alam niya at hindi niya gusto ang mga artistang ipokrita at sinungaling?
Aba, kahit nga sa paglalatag ng blind item, kahit hindi pa naman verified 'yung facts, ibinubuko na niya 'yung artista kaya nagmumukhang kawawa at walang kalaban-laban ang artista.
Ngayon, siya na mismo ang nasa "hot seat." Alam na siguro niya ang feeling na maging sentro ng isyu. Sana, makisimpatya ang mga artistang inookray niya.
Ngayon, ang konklusyon ng marami ay isa siyang kiss-and-tell, dahil sa kanyang sinulat sa tweet deck. Na kahit hindi niya binanggit, lumalabas na sila'y nag-live-in ni Rhian noon.
Pero ang tsika ni Mo, hindi raw "live-in" ang ibig niyang sabihin du'n sa "please come back home" kundi si Rhian mismo, bumalik sana sa kanya.
Juice ko naman, Mo, ang tagal na natin sa industriyang ito, mag-eeklatan pa ba tayo? Gagawin pa ba nating tanga ang mga tao?
Naiintindihan naming dapat mong ilihim ang inyong relasyon, dahil sa career ni Rhian at dahil 'yun ang gusto ni Rhian. Ngayon, gusto mong maintindihan ka ng publiko sa pinagdaraanan mo?
Gusto na lang naming intindihin na sobra mo kasing minahal si Rhian, kaya nagawa mong "iwasan" ang isyu sa inyo dahil 'yun ang gusto ng taong mahal mo.
Pero kung kami sa 'yo, hindi ka na lang kumibo o nagsalita o nag-tweet ng kung anu-ano pa at pinairal mo na lang sana ang pagiging gentleman mo kahit feeling mo, ikaw ang agrabyado rito.
Kasi, babae 'yan. At hindi na shocking kung babae ang dumaldal. Pero sa isyung ito, baligtad ang nangyari.
Alam naming naturalesa mo na ang kadaldalan, pero may pinagsamahan naman kayo, sana, 'yun na lang ang inisip mo, p’re.
* * *
Ang akala ni Cristine Reyes, hindi magugustuhan ng mga tao, lalo na ng film critics, ang pelikula nilang Tumbok ni Carlo Aquino.
Pero halos lahat ng kritikong nakapanood, humanga sa husay magdirek at maglatag ng eksena ni Toppel Lee na kilala sa paggawa ng horror movies.
“Thank you naman at nagustuhan nila. At least, hindi naman nasayang ang pagod naming lahat."
Ang nakakalokah pa, kahit ilang beses nang napanood ni Cristine ang movie, nagyayaya pa rin siya ng friends niya na manood.
Congrats, Cristine, at sa bumubuo ng Tumbok, lalo na sa Viva Films!
* * *
Gusto n'yo ba ng mga real-time chika? Follow us on twitter@ogiediaz.
Puwede n'yo ring i-like ang aming FB Fanpage "The Ogie Diaz" at basahin din ang aming blogs sa www.ogiediaz.blogspot.com.