Big Clean Up Day, maayos na nailunsad


MATAGUMPAY na inilunsad ng National Capital Region-Land Transportation Office (NCR-LTO) ang programang “NCR-LTO Big Clean Up Day” sa lahat ng district offices ng ahensiya noong Sabado.

Personal na pinangunahan ni (NCR-LTO) director Atty. Teofilo “Jojo”Guadiz III ang programa kasama ang buong 721 empleyado ng NCR-LTO upang tiyakin na nalinis ang 48 mga district offices kasama ang mga extension offices, at mga one- stop driving licensing offices sa mga malls sa buong Metro Manila.

Sinabi ni Louela Mutia, head ng (NCR-LTO) Human Resources Division, personal na pinuntahan ni Director Guadiz ang  buong district sa Southern Metro Manila tulad ng LTO-Las Piñas, Parañaque, Muntinlupa, Alabang, at LTO-Pasay Registration District Office.

Paliwanag ni Guadiz, layun ng programa na tiyakin na lahat ng mga offices ng NCR-LTO ay nakatutugon sa mga pangangailangan ng tauhan mismo ng ahensiya higit sa lahat sa kanilang mga kliyente bilang serbisyo publiko.

Layun pa ng paglulunsad ng BCUD na tiyakin na malinis ang loob at labas ng mga offices ng ahensiya tulad ng kung ang mga “rest room” ng mga ito ay malinis at maginhawang gamitin ng mga kliyente.

Sinabi rin ni Mutia na ang aksyon na ito ni Director Guadiz ay bahagi ng enhancement program nito na lalo pang mapalapit ang NCR-LTO sa taong bayan sa pagbibigay ng tunay na serbisyo publiko.

Idiniin ni Mutia na hindi lang pag-iisyu ng mga driver’s license at pagre-rehistro ng mga sasakyan ang trabaho ng NCR-LTO dahil bahagi din ng kanilang mandate ang pagbibigay ng magandang facility at mabuting paglilingkod bilang mga “public servants.”

Personal na pinasalamatan ni Guadiz ang Clean Up Day Monitoring team, kasama sina Assistant Regional Director Santiago, Susie Angeles, Angie Fadriquela at Mutia.


Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC