Kapag hitik ang puno sa bunga...

 

BAGO ang lahat, isa munang mainit na ‘Happy birthday!’ kay Malil “Lily” Aspiras ng La Union at Baguio City sa kanyang kaarawan ngayon at dasal na safe delivery sa kanyang napipintong panganganak.

Dagdag pa ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya, harinawang patuloy siyang gawing matatag ng Panginoon sa harap ng lahat ng mga panggigipit at kawalang-hiyaan na dinaranas niya ngayon at ng kanyang mga anak sa kamay ng ibang pekeng “pagmamahal” sa kanya.

At hindi naman mahirap tandaan kung sino ang mga hinayupak na ito, ’di ba, Madam Babut ng Q.C., Marissa V ng Corinthians at Lance G?

Ang tibay ng loob at pagkakaisa sa harap ng mga pagsubok ay gagantimpalaan ng Panginoon sa tamang panahon. At sabi nga lagi ni NPC associate member, Asay Chan: “Bullet day, I will giant you!” Remember that...Three Stooges, hehehe!

* * *

Hindi na dapat magtaka kung bakit bigla na lang nadadawit ang pangalan ng aming iginagalang na kolumnista at Dangerous Drugs Board (DDB) chairman, Antonio “Manong Bebot” Villar, sa kontrobersiya ngayon sa kanyang minamahal na lalawigan ng Pangasinan.

At siyempre pa, ang kontrobersiyang ito ay ang walang kamatayang isyu ng jueteng.

“A long and colourful life that continues to shine brightly in its path” is probably how one would describe the life of Manong Bebot who has been in public service for over four decades now.

At dahil nga may “pangalan” na, ’di kataka-takang isabit siya sa samu’t-saring kontrobersiya, isa na nga itong jueteng sa sarili niyang lalawigan.

Madaling balikan kung bakit binabanatan ngayon si Manong Bebot sa isyung ito.

Noong kasing Martes, “Araw ng Pangasinan” kung saan isa siya sa mga nagsalita, tahasan niyang tinawag ang mga lokal na opisyales na mga “buwaya” at harapang kinastigo ang mga ito dahil sa muling paglutang ng jueteng.

Marami siyempre ang napahiya sa okasyon. Kahit nga naman kasi karamihan sa kanila ay nakasuot ng barong, “tanaw” ni Manong Bebot ang kanilang “kaliskis” at “buntot,” hahaha!

Noon namang Miyerkules ay binanatan ni Manong Bebot sa kanyang kolum ang jai-alai operation ni Atong Ang, na aniya ay ginagamit na pronte sa jueteng.

Sa ganito katapang na paninindigan ni Manong Bebot, hindi dapat magtaka kung bakit may mga grupong magsasanib ng lakas para lang siya siraan.

’Yun nga lang, hindi natitinag si Manong Bebot na dati nang nakipag-away sa mga buwaya at smagler d’yan sa pantalan bilang hepe ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG).

At kahapon, sa panayam sa kanya ni Senate President Juan Ponce Enrile sa programa nitong ‘Bayan ni Juan’ sa DZAR radio, kinuwestuyon ni Manong Johnny ang awtoridad ni Ang na lumabas ng Cagayan para sa dagdag na operasyon nito.  

Hindi rin daw totoo na “kinukunsinti” ni SP Enrile ang iligal na sugal na ibinibintang dito kay Ang.

Itinanggi rin umano kay Manong Bebot ni Pangasinan Gov. Amado Espino, na “kasabwat” siya sa jueteng sa Pangasinan. “Pinag-aaway lang tayo, chairman,” diin daw sa kanya ni Gob.

What can I say, dear readers. Natural lang talaga na kapag ang isang puno ay hitik sa bunga tulad ng karanasan at katauhan nitong si Manong Bebot, hindi maiwasang batuhin siya ng mga kalaban. ’Yun na!

* * *

Isang mainit din na “congratulations!” dito kay Col. Bong Visaya (PMA Class ’83), na noong Biyernes ay pormal nang itinalaga bilang 104th Brigade Commander, 1st Infantry Division, sa pamumuno ni BGen. Noel Coballes.

Hindi na ako nagtataka, mga kabayan, na inilagay bilang bastonero, ehek, “peacekeeper” itong kaibigan kong ito sa “pinakamasaya” at “pinakatahimik” na lugar sa Mindanao -- ang Sultan Kudarat at Maguindanao, mga lugar na parang laging may pista dahil halos walang tigil ang putukan, hahaha!

Matagal ko nang kilala ang tapang at galing bilang opisyal nitong si Col. Bong, sapul nang madestino siya sa Solcom. Marami siyang bitbit na karanasan na alam kong magagamit niya sa pinakabagong hamon sa kanyang military career.

Puwede siya sa “peace approach” at puwede rin sa “war approach” kung ito ang kailangan para maibalik ang kaayusan sa kanyang AOR.

Kaya kung inaakala ng mga armadong puwersang kalaban ng pamahalaan sa Maguindanao at SK na “kayang-kaya” nila ang bagong brigade commander doon, alalahanin nila ang sinabi noon ni Erap: “Huwag ninyo akong subukan!”

Nevertheless, kuyang, puwede bang pagpunta ko sa Mindanao, sa Davao region na lang tayo magkita? Kung d’yan kasi ako sa command mo, baka sa foxhole o bunker tayo mag-inom, hahaha! Mabuhay ka!

Pahabol: Ngayong gabi ang grand reunion ng lahat ng naging staffer at editor ng ‘The Quezonian’, ang opisyal na campus paper ng MLQU. Ang venue ay gaganapin sa Plaridel Hall ng National Press Club, Intramuros, Manila.

(For reaction, text at 09274711475 or email at This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ).

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC