| 16 na colorum bus, hinuli |
|
|
|
| Wednesday, 10 February 2010 18:14 |
|
MAY 16 na colorum na mga bus na biyaheng Bicol ang hinuli ng Land Transportation Office kahapon. Sinabi ni assistant secretary at hepe ng LTO Gen. Arturo Lomibao sa pamamagitan ng kanyang Head Executive Assistant Senior Supt. Paterno Hernandez na ang pagkakahuli ng 16 na mga colorum bus na biyaheng Bicol ay bilang tugon sa patuloy na reklamo ng publiko sa illegal operations ng mga nahuling bus. Ayon kay Hernandez sa official operation report na ibinigay sa kanya ni Cenen Tongol, LTO-Special Action Center head, agad na pinigil ang mga colorum bus sa kanilang mga terminals sa Cubao area sa Quezon City matapos makakuha ng mga certification sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang mga naturang provincial buses na biyaheng Bicol ay mga walang Public Certificate of Conveyance (CPC) o franchise. Ayon kay Hernandez ang ginawang operation nina Tongol ay bahagi pa rin ng programa ni Assec. Lomibao sa ilalim ng Road Safety bilang suporta sa programa ni Secretary Leandro Mendoza ng Department of Transportation and Communications (DoTC) na linisin ang kalsada sa lahat ng colorum sa buong bansa. Ayon kay Hernandez delikado sa mga pasahero na ang sinasakyan ay colorum lalo na kung masangkot sa mga madugong aksidente dahil wala itong makukuhang benibisyo kahit singko sa insurance claims. |
Most Popular Articles
- Tawak ( 5,669 views )
- Krissa Mae iniintriga ang pagkapanalo sa Bb. Pilipinas ( 2,575 views )
- Kris nagpasalamat sa pamilya Aquino ( 2,255 views )
- Advertise ( 1,659 views )
- Kris to leave RP if Noynoy wins ( 1,570 views )







