HINDI na hinintay ng controversial Willing Willie host na si Willie Revillame ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa kanyang show, na parang gustung-gustong ipasibak ng mga “kalaban” niya sa industriya.
Last Friday, April 8, siya na mismo ang nag-announce na hindi muna ie-ere ang Willing Willie sa loob ng dalawang linggo, starting this Monday, April 11.
Ayon pa kay Willie, babalik na lang sa ere ang kanyang show after ng Holy Week.
Sa dalawang linggong pagpapahinga ni Willie, sa resthouse niya sa Tagaytay Highlands muna raw siya magmumuni-muni.
Katwiran ni Willie, ito ay dahil na rin sa sunud-sunod na pagbira sa kanya sa mga pahayagan, radio at telebisyon tungkol sa pagsasayaw ng batang si Janjan noong March 12 episode ng WW, kung saan inakusahan siya at ang show ng child abuse.
Giit ni Willie, walang pang-aabuso kay Janjan da-hil nang tanungin niya ang bata kung ano ang talent nito, hindi niya alam na ang pagsasayaw na ala-macho dancing ang gagawin ng bata.
Ayon pa sa mga magulang at ibang kamag-anak ni Janjan, ginagawa na raw ito ng bata maging sa kanilang eskuwelahan.
“Pasensiya na ho muna. Wala muna hong Willing Willie,” pahayag ni Willie bago matapos ang show last Friday evening.
Nanindigan din si Willie na wala siyang inaabusong bata sa kanyang programa at , “wala akong ginawang masama sa batang ’yun.”
Marami ang nalungkot sa inanunsiyo ni Willie, hindi lang ang staff ng Wil Productions, kundi maging ang audience na nasa loob ng studio ng TV5.
Ayon pa sa controversial TV host, ang TV5 management lang ang maka-ka-pag-decide kung makakabalik pa ang Willing Wil-lie pagkatapos ng Holy Week.
“Sana ay ipagdasal ninyo na makabalik pa ang programang ito,” saad pa nito.
Nagdesisyon na rin si Willie na magpahinga for two weeks dahil halos lahat ng advertiser ng kanyang show, isa-isa nang nangawala.
Kaya masakit man sa loob ng TV host ang pangyayari, ginawa lang niya ang nararapat.
Nagpasabi na rin kasi ang Cebuana Lhuillier Pawnshop na ititigil na nila ang pag-a-advertise starting this Monday sa WW.
Samantala, ayon naman sa Unilever, sususpendihin nila lahat ng ad placements simula Lunes, “in all reality-based live game shows across all networks.”
Disappointed man si Willie sa nag-pull out na advertisers, sinabihan niya ang televiewers na huwag magagalit sa mga ito dahil “they were just following their bosses’ orders.”
Klinaro rin ni Willie na hindi sinususpinde ng MTRCB ang Willing Wil-lie dahil may on-going inquiry ito sa insidente, which the Commission on Human Rights described as child abuse.
Aniya, may disagreement sa ibang MTRCB members on how to deal with the issue, and expressed gratitude that three of its members, which Willie claimed have linkage with rival network ABS-CBN, have inhibited themselves from the case.
Pinangalanan na rin ni Willie ang celebrity na nag-criticize sa kanya sa Twitter na balak niyang sampahan ng kaukulang kaso, na sina Jim Paredes, Lea Salonga, Aiza Seguerra, Leah Navarro, Bianca Gonzales, K Brosas, Agot Isidro at Tuesday Vargas.
Hindi na rin daw siya magbibigay ng komento laban sa ABS-CBN, kung saan may multi-million law suit sa kanya dahil sa breach of contract.