Ruffa waiting in vain for Yilmaz to support their kids?

 

Naiinip na si Ruffa Gutierrez sa takbo ng annulment case nila ng estranged husband na si Yilmaz Bektas. Three years na raw kasi ito pero hanggang ngayon ay nasa korte pa rin.

Pati nga raw si Yilmaz mismo ay hindi rin makapaniwalang mabagal at hindi pa tapos ang kaso kaya pinaghihinalaan na siyang nagsisinungaling.

“Sabi niya, ‘give me the copy of the annulment, why won’t you give it to me?’ Inaaway ako, sabi ko, ‘it’s not finished.’ Parang ang weird nga naman, 3 years later, hindi pa rin tapos. So, akala niya talaga, I’m lying. But I’m not!” bulalas ni Ruffa nang makausap namin sa Belo presscon few days ago.

Dahil nga sa hirap ng proseso ng annulment na pinagdadaanan niya, talagang wini-wish niya na sana ay may divorce sa Pilipinas. Like that day nga na kausap namin siya, the following day ay naka-schedule raw siya ng appointment sa psychiatrist at magkakaroon siya ng 4-hour test para i-prove sa korte na hindi siya baliw.

“You know, parang you go through all these things, we don’t even have divorce in the Philippines, which I hope na meron, I mean, I know this is a maselang topic for conservative, but I’m talking out of experience and based among the girls that I’ve spoken to, sana magkaroon na tayo ng divorce or magkaroon ng easier process sa annulment kasi when you go through that, I’m telling you, I don’t want to go through that again,” say pa niya.

Natanong din si Ruffa tungkol sa hindi nga pagsagot ni Yilmaz ng financial responsibilities niya sa dalawa nilang anak na sina Lorin at Venice at ayon sa aktres, ayaw na raw niyang mangulit pa.

“I made kulit for the first year, pero wala siyang binigay, so, bakit pa ako mangungulit. Nagtatrabaho naman ako. Thank God sa lahat ng mga producers.”

May communication pa rin naman daw sila ni Yilmaz pati na rin ang dalawang bata.

“We go through seasons. There are seasons na he’s nice, he misses me, there are days naman ‘I hate you, I wish I never met you, you’re Brutus,’ so, meron siyang ganu’n. Okay lang,” kuwento niya.

Pero one thing, never daw niyang siniraan si Yilmaz sa mga anak nila.

“I never presented Yilmaz in a bad way and I always say good things about him. Continuous ang communication nila, not very often, but once in a while, nag-uusap pa rin sila. You know I don’t want them growing up thinking na masama ’yung daddy nila. And I want them growing up respecting their father para maging buo sila as young girls,” pahayag pa ni Ruffa.

* * *

Dahil nga beterano na pagdating sa pag-ibig si Vic Sotto, natanong ang ace comedian kung nagbibigay ba siya ng love advices sa leading lady niya sa Pak Pak My Dr. Kwak na si Bea Alonzo, who, as we all know ay nali-link ngayon kay Zanjoe Marudo.

“Ah, hindi. Wala akong galing pagdating sa ganyan. Ako nga nanghihingi ng advice sa kanya. Dahil hindi ko puwedeng bigyan ng lessons ‘to (si Bea na katabi niya), baka magkasira-sira ang love life nito,” natatawang sabi ni Bossing.

Si Bea naman ang natanong kung posible ba siyang magkagusto sa isang Vic Sotto kung wala bang Zanjoe sa buhay niya ngayon.

“Parang kahit sino namang babae, kay bossing naman talaga, lahat ng qualities na hahanapin mo, nasa kanya,” sey ni Bea.

Sumingit naman si Vic na parang proud na proud sa sinabi ng leading lady. “Ikaw na!” sey niya.

Samantala, marami ang bumilib kay Vic dahil siya lang yata ang artista na nakakatawid-tawid sa tatlong networks. May shows siya sa GMA-7, TV5 at ngayon naman ay nakipag-co-produce ang MZET Productions niya sa Star Cinema via Pak Pak My Dr. Kwak na showing na nga this April 23.

“Kaibigan ko naman kasi silang lahat. Sa tingin ko naman, wala akong hindi kaibigan o kaaway. Ayoko naman kasi ng may kaaway. Hangga’t maaari, kaibigan ko lahat,” aniya

Ano ang pakiramdam niya sa pagme-merge nilang ito ng Star Cinema?

“I feel good about it na walang network-network, walang kalaban, walang kumpetisyon, you know. ’Yun naman ang dapat, eh. ’Yung pagkakaisa at pagkakaibigan. It doesn’t really matter kung ABS-CBN, GMA-7 or TV5, what matters is maganda ’yung nagiging proyekto.

“Kasi, para naman sa buong bayan ito, eh, hindi naman para sa Kapamilya lang, hindi naman para sa Kapuso lang o Kapatid, para sa buong bayan at para sa lahat ng kababayan,” pahayag ni Bossing Vic.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC