Last taping day nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng My Beloved last Monday bago ang break for the Holy Week, pero wala pa rin silang plano kung saan magbabakasyon.
Dapat pupunta sila sa China, pero sobrang higpit daw at marami ang requirements sa visa kaya hindi na sila tumuloy.
“Gusto ko sanang pumunta sa mga lugar na ’di ko pa napupuntahan gaya ng New Zealand, Vietnam at India, tingnan na lang natin kung saan kami pupunta,” sabi ni Marian.
May nag-suggest na sa Amanpulo sila pumunta, pero galing na pala sila roon. Natawa ang aktres sa isa pang suggestion na sa Cavite (sa bahay nila) na lang sila magbakasyon ng BF.
Mabigat ang mga susunod na eksena ng My Beloved at magsisimula ito sa week nine. Wala raw silang ginawa ni Jennica Garcia, gumaganap na kapatid niya sa soap, kundi umiyak. May babalik na karakter at may mga bagong papasok.
* * *
Ayaw munang mag-comment ng mga taga-TV5 sa paglipat ni Derek Ramsay sa network, pero mismong taga-TV Patrol ng ABS-CBN ang nag-report nito.
Ayon sa nakausap naming taga-Viva Entertainment, kahit wala na sa ABS-CBN ang actor, tuloy pa rin ang movie nito sa Star Cinema kapareha si Bea Alonzo.
Kasunod ng balitang paglipat ni Derek sa TV5 ang balitang siya na ang maghu-host ng The Amazing Race Philippines.
Sa isang interview, nabanggit ni Derek ang kagustuhang maging host ng reality show na nabanggit.
* * *
‘Katuwa si Nadine Samonte dahil hindi alam na inilipat at ibinalik sa original time slot ng TV5 ang Valiente.
Sa fans na lang niya nalaman ang ginawa ng network at huli na kung ngayon pa siya magre-react.
Happy si Nadine na kahit one month lang, nakasama niya sa taping si Tirso Cruz III na gumanap na ama niya sa Endless Love noong nasa GMA-7 pa siya.
Ang pinanghihinayangan nito’y wala silang eksenang magkasama.
Maganda ang working relationship ni Nadine sa cast ng Valiente kahit sa ex niyang si Oyo Sotto. Sila ni JC de Vera ang partner dito at may kissing scene sila na tiniyak ng dalaga na hindi pagseselosan ng BF niyang si Emerson Chua.
Samantala, walang reaction si Nadine sa relasyon ng ex niyang si Leandro Muñoz at Iwa Moto. Masaya raw siya para sa dalawa, although hindi pa sila nagkikita ni Iwa, pero babatiin niya ito ’pag nakita sa bakuran ng TV5.
* * *
Nag-promote ang cast ng Moron 5 and The Crying Lady sa Walang Tulugan ni German Moreno.
Wala lang sina John Lapus at Martin Escudero na hindi nabanggit nina Luis Manzano, Billy Crawford, DJ Durano at Marvin Agustin kung bakit.
Masaya ang interview ni Kuya Germs sa apat at in fairness, hindi sila nagsapawan. Sa pelikula kaya, nagbigayan din ang cast?
Si DJ lang yata sa apat ang noon lang nakaapak sa GMA-7 dahil sina Marvin at Billy ay galing sa Siyete at si Luis ay napapadpad ’pag sinusundo si Jennylyn Mercado sa Showbiz Central.
Anyway, sa April 7 na ang showing ng Moron 5 and The Crying Lady sa direction ni Wenn Deramas at trailer pa lang, natawa na kami nang husto.
Ang isa pang maganda sa Viva Films movie ay bago ang mga joke.
* * *
May cameo sa indie film na Anino si Yeng Constantino, hindi siya pinahirapan ni Direk Rahyan Carlos dahil kumanta at naggitara siya sa kanyang eksena at may maiksing dialogue.
Pero dahil doon, gusto nang seryosohin ni Yeng ang acting at may cameo uli siya sa sequel ng Kimmy Dora at ginamit pa ang song niyang Lapit.
Kung magkaka-full length movie, gusto ni Yeng ng rom-com dahil mahilig siya sa ganitong klase ng mga pelikula’t kinikilig at natutuwa siya.
“Si Enchong Dee ang gusto kong leading man dahil nakakatuwa siya at para siyang si Mario Maurer. O kahit sino ang ibigay sa akin ng Star Cinema,” wika ni Yeng.