Kailangang kilalanin ng ama ang bata


KGG. na Atty. Acosta,

Hindi po pumayag ang local civil registrar na itala ang pangalan ng tatay sa ilalim ng father’s information sa birth certificate ng bata. Hindi po kasi kasal ang mga magulang ng bata at namatay ang ama ng bata dalawang araw bago ipinanganak ang huli.  Dahil daw po sa hindi nakapirma ang tatay sa birth certificate ng bata, bawal daw po ilagay ang pangalan niya sa father’s information.  Ang inilagay po nila ay “unknown” samantalang kilala naman ang tatay at magpapakasal na sana ang mga magulang ng bata kung hindi lang namatay ang tatay.  Maaari po bang ipetisyon na malagay ang pangalan ng yumaong tatay sa father’s information kahit na ang apelyido ng bata ay isusunod sa nanay?


Lubos na gumagalang,

Vilma


Dear Vilma,

Ang batas na nagtatakda ng proseso kung paano iparerehistro ang kapanganakan ng isang tao ay ang R.A. 3753 na kilala rin bilang Law on Registry of Civil Status.  Nakasaad sa nasabing batas, partikular na sa Section 5 nito ang sumusunod:

xxx

“In case of an illegitimate child, the birth certificate shall be signed and sworn to jointly by the parents of the infant or only the mother if the father refuses. In the latter case, it shall not be permissible to state or reveal in the document the name of the father who refuses to acknowledge the child, or to give therein any information by which such father could be identified.”

Samantala, sa pagkakapasa ng Family Code noong August 3, 1988, nagkaroon ng karagdagang alituntunin tungkol sa pagrerehistro ng kapanganakan ng isang illegitimate child.  Ayon sa National Statistics Office (NSO) sa kanilang website na http://www.census.gov.ph/data/civilreg/birth.html#regofillegitbirthaftaug1988: the rule on the registration of births illegitimate children who were born on.

“The following rules shall govern the registration of illegitimate children who were born on August 3, 1988 and thereafter:

1. An illegitimate child shall use the surname of his mother (Art. 176, F.C.) regardless of whether or not his father admits paternity (opinion of Civil Code Revision Committee, September 23, 1988).

2. The name of the father of the illegitimate child may be indicated on the the birth certificate of the latter whenever the former executes an affidavit of admission of paternity, provided that such affidavit shall not affect the naming of the illegitimate child (opinion of the Civil Code Revision Committee, September 23, 1988)

3. The affidavit mentioned in the immediately preceding paragraph, if executed by the father shall be permanently attached to and shall form part of the birth certificate of the illegitimate child. The birth certificate in such a case must have a remark “With Attached Affidavit of Admission of Paternity” impressed with a rubber stamp at the upper left-hand margin and duly signed by the local civil registrar or authorized civil registry personnel.

4. Illegitimate children falling under this classification who were not registered within the prescribed period of registration shall comply with the requirement of delayed registration of births. (Section 4 Circular No. 89-13 dated 17 July 1989)”

Malinaw na may pagkakapareho sa nabanggit na probisyon ng R.A. 3753 at sa bagong alituntuning ipinalabas ng NSO kaugnay ng Family Code.  Sa parehong alituntunin, kinakailangan na may gawin muna ang tatay bago mailagay ang kanyang pangalan sa birth certificate ng kanyang illegitimate na anak.  Sa ilalim ng R.A. 3753, kailangang i-acknowledge muna ng ama ang bata.  Sa alituntunin naman kaugnay ng Family Code, kailangang gumawa ang ama ng affidavit of admission of paternity bago maitala ang kanyang pangalan sa birth certificate ng bata.

Ayon na rin mismo sa NSO, mahigpit sila sa mga ganitong pagkakataon upang maiwasan ang sitwasyon kung saan maglalagay sila ng pangalan ng isang tao bilang ama ng bata pagkatapos ay mapapatunayan na hindi naman pala siya ang talagang ama nito.

Sa kasamaang palad, dahil sa namatay na ang ama ng bata bago pa maiparehistro ang kapanganakan ng huli, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong i-acknowledge ang bata o gumawa ng nabanggit na affidavit of admission of paternity.  Dahil dito, lumalabas na hindi maaaring itala ang kanyang pangalan sa ilalim ng father’s information sa birth certificate ng bata.

Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan. Gayunpaman, binibigyang-linaw po namin na ang mga payong nakasaad sa liham na ito ay base lamang sa mga impormasyong nilalaman ng inyong liham. Maaaring may ibang legal na opinyon na mas angkop dito kung may mga importanteng detalye na hindi ninyo nabanggit. Mas makabubuting kayo ay personal na sumangguni sa isang abogado upang mas malinaw ninyong mailahad ang inyong sitwasyon nang sa gayon ay mapayuhan kayo ng mga hakbang na nararapat ninyong gawin.


Ang inyo pong lingkod-bayan,


PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC