Annabelle prays for Captain Barbell's success

 

FANS of Richard Gutierrez and Christopher de Leon can’t wait  to see the air fight sequence in “Captain Barbell.”

Bilib kami sa special effects ng naturang serye, na parang “Iron Man” ang dating nang mapanood namin sa press preview nito sa SM The Block Cinema 2. Tila nagbunga ang  panalangin ni Bisaya (Annabelle Rama, nanay ni Richard, who else?)  na sana ay mag-rate nang todo-todo ang show ng kanyang anak. Balita namin, umuwi pa sa Cebu at doon nanalangin ng taimtim si Bisaya para sa ikatatagumpay ng bagong “Captain Barbell.”

EXAGGERATED?

TIYAK na napapanood n’yo rin ang ang commercial ng isang iced tea brand kung saan kasama ang child actress na si Jillian Ward.

Wala namang dudang smart talaga si Jillian, at mahusay siyang umarte.

Pero at her age, we don’t think she really thinks and speaks that way in real life. Minsan naman, kailangan din nating maging makatotohanan.

Natutuwa na sana kami sa tumatakbong kuwento ng commercial na ito, pero sana, ‘wag naman kaming paniwalaan nang ganoon-ganoon na lang.

Parang di naming ma-imagine na alam na ni Jillian ang tamang paggamit ng salitang option. Sometimes, marami talagang di kapani-paniwala sa mga commercial. Exaggerated  talaga, pero sabi nga, that’s how they create recall.

So, ano option natin dito kundi tanggapin na lang?

BAGONG SHOW NI EDU, INAABANGAN

INAABANGAN na namin  ang bagong show ni Edu Manzano sa GMA7. This time, we are sure na bagay sa kanya ang “Family Feud: The Showdown Edition.” Umpisa na ito sa Lunes, this will be seen everyday until Friday.

Puwera sa  pagbabalik ng “Pass or Play”  option, ang bagong season ng Family Feud  ay magkakaroon ng bagong bonus portion na kung tawagin ay SweepHeart kung saan ang  magkatunggaling  pamilya aims to get ang lahat na sagot  sa board at maaaring magwagi ng karagdagang premyo.

TRIBUTE KAY TOMAS

ISANG espesyal na tribute ang ibibigay ng “Comedy Bar” ngayong gabi para sa yumaong komedyanteng si Tomas.

Ang opening number ay mula kay Allan K, isang madamdaming kanta na tiyak aantig sa inyong mga damdamin. Kasama din ang “Comedy Bar” gang together with Eugene Domingo, Fabio Ide, Gwen Zamora, Booobsie, MJ (ng XLR8).

Itatampok din ang lahat ng best portions ng Comedy Bar kung saan ay kasama si Tomas  Magkakaroon ng stand up comedy show ang Uglees, gayundin si Mamu Andrew de Real.

Ang “Comedy Bar” ay napapanood tuwing Sabado ng gabi sa GMA7.

AMAZING RATING

THIS Sunday on “Kap’s Amazing Stories,” hosted by Senator Ramon “Bong” Revilla (na abala rin sa shooting ng bagong “Panday” katambal si Marian Rivera), comes  another exciting episode.

Narito ang mga katanungan na bibigyan  linaw ni Sen. Bong:

Susuungin mo ba ang bagyo sa disyerto para ang lalamunan mo ay ‘di tuluyang matuyo?  Ano  ang gagawin mo kung ang kinatatayuan mong lupa ay maging sapa? Tatalon ka ba sa tubig  kahit hindi ka marunong lumangoy huwag lang  mamatay sa kalaban?

Kaya bang lumangoy  ng hayop na simbigat ng sasakyan?  Kaya mo bang hindi gumagalaw at kumakain sa loob ng apat na buwan hanggang ang itlog na binabantayan ay tuluyang mapisa?

“Kap’s Amazing Stories” rates high every Sunday night on GMA7.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC