Ex-FG: Nangyari kay GMA utos ni P-Noy


“SINUSUNOD nila ang mga utos ni Pangulong Aquino na magsampa ng kaso kay Gloria Arroyo kahit walang basehan.”

’Eto ang dismayadong sambit ni dating First Gentleman Mike Arroyo sa kinasapitan kahapon ng kanyang misis na si ex-PGMA.

Sa isang statement, sinabi ni Atty. Mike na pinagbotohan ng Comelec en banc ang isang resolusyon na minadali lamang ng DOJ-Comelec panel. Inakusahan niya ang panel na sumusunod lamang sa utos umano ni Pangulong Aquino III na kasuhan si Arroyo.

Samantala, ilang oras lamang makalipas maihain ang kasong electoral sabotage laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo, nagpalabas na ng warrant of arrest ang Pasay City Regional Trial Court.

Kaugnay ito sa kasong electoral sabotage laban sa dating pangulo kaugnay sa sinasabing dayaan noong 2007 elections.

Agad ini-raffle kahapon ang kaso matapos itong ihain ng joint panel  at napunta sa sala ni Pasay City RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas.

Samantala, sinabi ni Senate Majority Leader Tito Sotto na nanganganib ngayon ang judicial system dahil sa  mga kaganapan sa kaso ni Gloria.

“It is unfortunate that the case against former President Gloria Macapagal- Arroyo is blemished with indecent haste. The integrity of our judicial system is at stake,” saad ni Sotto.

Sinabi ni Sotto na dapat na gumulong ang hustisya at hindi dapat ito haluan ng pulitika.

“The wheels of justice must march to the beat of its own drums, and not fanned by political winds. Nakakaduda sa bilis. Ayaw nila sundin order ng Supreme Court pero ’pag regional trial court, execute agad!” dagdag ni Sotto.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC