Sinong maganda, si Abi Valte o Len Bautista-Horn?


PARANG isyu kung sino ba talaga ang nanalo kina Pacquiao at Marquez. Ang tanong ngayon ng kalalakihan kung sino naman kina Presidential Deputy spokesperson Abigail Valte at Ms. Elena Bautista-Horn ang maganda?

Pareho kasing may kakaibang ‘appeal’ ang dalawang tagapagsalita na siguradong bukod sa ganda, may talino pa!

Tanong tuloy ng mga kamoteng nagnanasa, este humahanga sa dalawa, kung sino ba talaga sa kanila ang may kabigha-bighaning mukha at hitsura.

Para sa impormasyon ng interesado sa kanila, narito po ang ilang impormasyon patungkol sa dalawang magandang dilag!

Pareho na pong taken sina Abi at Len. Si Atty. Abi ay kasal kay Gerald Valte at may isang anak. Si Mam Len naman ay kasal sa banyagang si Holger Horn at may isa ring anak.

Hamak na may edad si Mam Len kay Atty. Abi. July 22, 1969 kasi nang ipanganak si Mam Len, samantalang si Atty. Valte naman ay isinilang noong December 23, 1980.

Parehong galing sa Ateneo de Manila ang dalawang magandang amasona. Mula kasi nang matapos ni Abi ang Bachelor in Arts major in Philosophy sa De La Salle University, kaagad itong pumasok at nagtapos sa law school ng Ateneo noong 2007.

Samantalang si Mam Len naman ay nagtapos ng Bachelor of Science in Legal Management (BSLM) sa Ateneo noong 1990. Ibig sabihin, 10-taong gulang pa lang si Atty. Abi o halos naglalaro pa lang ng ‘Chinese garter’ o kanyang ‘Barbie doll, taong 2007 ay may sarili nang carreer ang dating chairman ng LTFRB na produkto ng Civil Society.

Ang tanong ngayon, lalo na kapag walang make-up sino nga ba ang mas ma-appeal? Ang 42-year old na si Mam Len Bautista-Horn o ang 30-anyos na si Atty. Abi Valte?

Kayo na po ang humusga!

* * *

Sumulat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang sagutin ang isinulat nating sumbong patungkol sa nagkalat na street children.

Ayon kay Ms. Ana Marie Daep, officer-in-charge ng Social Marketing Service ng DSWD, may programa na sila para sagipin ang streetchildren, streetdwellers at street families. May ibinibigay na rin umano silang kabuhayan at educational assistance upang makapag-aral ang mga streetchildren.

“Ang DSWD ay may ipinatutupad ding Balik-Probinsiya’ na tumutulong sa mga streetfamilies na nagnanais bumalik sa kanilang mga probinsiya. Sa pakikipagtulungan sa mga local government units, mayroon din probisyon para sa mga in-city at near-city shelter assistance,” sabi pa ni Ms. Daep.

Miyembro rin daw ng task force ang DSWD para mailigtas ang mga street- children, katulong nila ang MMDA, City Social Welfare Development, Philippine National Police at barangay.

Ang mga nare-rescue ay dinadala umano sa Jose Fabella Center at doon binibigyan ng tulugan sa gabi, libreng pagkain habang inihahanda ang pagbalik sa kanilang tirahan. Ang iba naman aniya ay ini-endorso nila sa mga non-government organizations.

December 2010 pa raw nang ilunsad ng DSWD ang Paskong Ligtas sa Batang Kalye Project.

Eh iyon naman pala. May komprehensibo na kayong programa pero bakit hanggang ngayon marami pang nagkalat na streetchildren?

Suggestion lang po, Ms. Daep, dapat market-driven ang approach ng inyong programa. Dapat, hindi ito ningas-kugon na mag-ooperate ngayon, pero hihinto na bukas o sa sunud-sunod pang mga araw.

Tukuyin natin ang ‘infested areas’ ng mga batang hamog. Paunlarin kung anong klaseng talent mayroon sila, habang pinag-aaral ng pamahalaan at higit sa lahat isangkot sa mga ‘voluntary works’ ng DSWD.

Ang pinakahuli, ‘techi’ na rin dapat ang pagsagip sa kanila. Mayroon na tayong Patrol 117. Mano ba namang magkaroon tayo ng text hotline para kahit sinong motorista o commuters ay puwedeng mag-text sa nasabing hotline para mapakilos ang DSWD at iba pang kaukulang ahensiya ng pamahalaan.

Hanggang ngayon kasi, tuwing bumubuhos ang ulan, nagkalat ang mga batang hamog na ‘to. Bubuhusan ng tubig at lilinisan kunwari ang windshield ng mga sasakyan, tapos saka manghihingi ng pera at magagalit kapag hindi sila binigyan ng limos.

Iyan ang komprehensibo, kung marunong lamang kayong tumanggap ng mumunting payo!

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC