Gabby doesn’t want to meddle with KC-Piolo problem


Proud na proud si Gabby Concepcion sa anak na si KC kaugnay ng naging participation ng young actress sa Southeast Asian Games na ginanap sa Palembang, Indonesia.

Isa kasi si KC sa napiling mag-perform sa opening ceremonies kung saan ay kasama niyang umawit ang dalawa pang foreign singers (one from Malaysia and one from Indonesia).

Hindi pa raw niya napapanood ang nasabing performance ni KC pero alam daw niya ang tungkol dito dahil itinext siya ng anak at in-inform nga sa kanya na kakanta siya sa Southeast Asian Games.

“So, sabi ko, good luck, I’m proud of you, my lovely daughter,” say ni Gabby nang makausap namin sa pictorial para sa Yesterday, Today, Tomorrow na isa sa filmfest entries ng Regal Entertainmet ngayong Disyembre.

Kumusta naman si KC ngayon?

“Sa tingin ko, mukhang okay naman siya,” he said.

Aware ba siya tungkol sa isyu about KC and Piolo Pascual?

“Oo nga, nabalitaan ko, ewan ko kung ano ang nangyari sa kanila. On-off, on-off. Eh, siyempre, gusto ko rin sanang malaman, hindi naman sa nakikialam ako, pero kung may gusto siyang sabihin, at least, baka puwede ko siyang bigyan ng advice kung hihingi siya, pero siyempre, private issue ’yan, eh.”

Nakapag-usap naman daw sila ni KC tungkol dito one time pero hindi rin naman daw naikwento ng anak ang mga detalye.

“Wala, nagtatanong lang siya in general. Sa tingin ko, mukhang okay naman sila. Siyempre, habang dumadaan ang bawat araw, hindi natin alam kung may improvement. Sila lang ang nakakaalam nu’n.”

Kung sakaling hihingi ng advice si KC sa kanya, ano ang ibibigay niya?

“Lagi ko naman siyang binibigyan ng advice, eh. But the ultimate decision is hers. Basta ang madalas ko lang sabihin eh, siyempre I trust in her decision, I’ll be behind her, you know, think before you decide, and follow your heart above all. And she’s old enough naman to decide what is good for her and what’s not.”

Kung may problema man daw ang relasyon nina Piolo at KC, aniya ay dinadaanan naman daw talaga ang mga ganyan sa isang relasyon.

“Kailangan din nating maranasan ’yan. Sabi nga nila, it’s better to have loved once that never to have loved at all.”

May pagbabago ba sa impresyon niya ngayon kay Piolo dahil sa mga nangyayari?

“Well, hindi ko naman kilala si Piolo, eh. Simula’t sapul, eh. Hindi naman kami nagda-dialogue, hindi naman kami nag-i-small talk, wala naman kaming pelikula, wala kaming teleserye, wala kaming encounter. Nag-e-encounter lang kami pag nagpi-pictorial para sa Star Magic, ganu’n lang.

“Pero wala kaming formal na family get-together, wala kaming formal sit down dinner or lunch.”

Tungkol naman sa kanyang career, marami ang nakakapansin na may panahong active siya at may panahong lie-low siya. Tulad ngayon, aktibo na naman siya ulit dahil may dalawa siyang project – isang teleserye sa TV5 na PS I Love You at ito nga filmfest movie na Yesterday, Today, Tomorrow.

“Nangyayari kasi, ’yung mga scripts na dumarating, I owe it to my audience na kailangang maganda ang script. Kasi, hindi naman ako puwedeng gumawa ng… although, magaganda at magagaling ang mga scriptwriters natin ngayon in any network, kaya lang, pinipili ko ‘yung mas angat du’n sa nakikita ko.”

Nilinaw din ni Gabby na hindi raw siya nakapirma sa TV5.

“May project ako with Viva. Eh ang Viva, nag-line-produce sila for TV5. Hindi ako ang pumirma. So, in effect, I’m independent.”

He’s being co-managed now by Viva and Mommy Rose Flaminiano.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC