Maraming mga dating sexy stars ang naghihirap ngayon kaya kahit sa mga club ay nagso-show.
Kabilang sa mga ito si-na Gwen Garci, Maui Taylor at Jaycee Parker. Maki-kita mo ang mga pangalan nila sa billboards ng night- clubs sa may Roxas Blvd. at sa Angeles, Pampanga. * * *
NAKAKAAWA ang da-ting pa-sweet na female star na naging sexy star.
Sumikat siya sa paghu-hubad.Lahat ng kalalakihan ay humanga sa kanyang alin-dog. Sabi nga, kapag nagpa-seksi na sa pelikula ang isang kabataang female star, tanda na malapit nang matapos ang kasikatan nito. Now, nag-Japayuki na ang sexy star na bansot.
* * *
Ang bagong game show ng bayan na may titulong Show Up ay dadayo sa Mandalu-yong gym sa Nov. 20.
Ngayon pa lang ay exci-ted na ang mga host ng show na sina Boobay, Chabilita, Jireh,Miko Aytona at Samantha Page. Napapanood sa Cable Destiny Channel 5 ang Show Up at dito’y ma-rami ang sumasali sa isa sa mga patok nilang portions na P50,000 cash ang ipina-mimigay na premyo. Pero ang inaabangan ng lahat ay ang cash blessing na ipina-mamahagi ng host na si Ji-reh sa mga taong nangangailangan ng tulong.
* * *
Ang Pinoy Henyo ang por-tion ng Eat Bulaga na pinakaaabangan ng publiko.
Araw-araw ay napapanood din sa Eat Bulaga ang patok na Juan For All, All for Juan sugod-bahay na ha-tid sa publiko ng Coke, Puregold at Vaseline. Maraming mga barangay sa buong Pilipinas ang natutulungan ng No. 1 noontime show na ito dahil katakut-takot na pera ang ipinamimigay sa mga kababayan nating nanga-ngailangan.