MATAGAL din namang tumayong direktor at exe-cutive producer ng Walang Tulugan ni German Mo-reno ang yumaong si Lito Calzado.
Hindi lang sa Walang Tulugan aktibo si Direk Lito, kahit doon sa proyektong Walk of Fame Philippines, laging involved si Li-to. Kasi nga, naging close na magkaibigan sila ni Kuya Germs. Isipin naman ninyo iyong haba na ng panahon ng kanilang pinagsamahan sa telebisyon.
Co-host pa lang si Kuya Germs sa TV, dancer naman si Lito. Tapos noong magkaroon ng sariling show si Kuya Germs, kasama na niya si Calzado. Hanggang ngayon naman, wala pa ring kapalit si Lito sa show ni Kuya Germs hanggang sa bawian nga siya ng buhay noong isang araw dahil sa cancer.
Kahit ilang panahon na rin namang wala sa show si Direk Lito, dahil nagkasa-kit nga, ayaw ni Kuya Germs na mapalitan siya sa Walang Tulugan. Lahat ng mga nagtatrabaho kapalit ni Direk Lito ay puro in acting capacity lang.
Si Lito Calzado ay hindi namin tatawaging beterano sa Philippine television, sa-sabihin naming siya ay isa na ring institusyon sa tele-bisyon sa Pilipinas. In fact, si Calzado ay dapat na kabilang na nga rin sa Walk of Fame Philippines, dahil bi-lang isang dancer, director at choreographer, napatu-nayan niyang siya ay isang tunay na artist.
Bagama’t mas madalas na si Lito ay nasa likod ng camera lang, naging bida rin naman siya sa isang pelikulang comedy noong araw, iyong Draculita. Hindi rin naman namin maikakaila na siya ay naging close confidante at talagang laging ka-sama noong araw ni Nora Aunor.
* * *
Naiintindihan namin kung bakit medyo takot si Secretary Leila de Lima na makalabas ng bansa ang da-ting Pangulong Gloria Ma-capagal-Arroyo.
Eh, kung iyan lang si Ramona Mara Revilla, naka-labas ng bansa papuntang Hong Kong, tapos ngayon ay nagtatago na sa Turkey, at nagmamalaki pang ano man ang gawin natin ay hindi na siya magagalaw doon ng ating batas. * * *
Talaga nga sigurong ka-pit na sa patalim ang buhay ng isang indie male star. Nagtatawag na raw iyon sa mga kakilala niyang showbiz gays, at sinasabing kahit na magkano lang, payag na siyang makipag-date, kailangang-kailangan lang niya ng pera. Wala na kasi siyang trabaho, at may isa na siyang anak.
Eh, ano ba naman kung ilako niya sa mga bading ang sariling ‘laman’ kumita lang. Nanghihinayang lang kami sa indie actor na ito na mahusay pa naman.