Angelica excited over Derek


Blockbuster actor, ito ang karangalang ibinigay kay Derek Ramsay, hindi lang ng Star Cinema kungdi maging ng madlang pipol na pumila at pumipila hanggang ngayon sa box-office hits niyang My Other Wo-man at Praybeyt Benjamin.

“I never imagined this will happen. No! I never dreamt of this.  If you  ask me how I feel right now, sasa-bihin ko, this is my happiest moment,”  wika ni Derek sa hindi inaasahang interview.

Kung sina Anne Curtis at Vice Ganda ay napatu-ngan na ng korona, bilang  Box Office Queen, at Box Office Gay, natagalan sa pag-iisip ng tamang taguri ang bigwigs ng network para ibigay kay Derek. Siya na leading man ni Anne Curtis at leading man pa rin ni Vice Ganda sa blockbuster mo-vies of all time ng higanteng network.

Hindi lang kasi basta star lang si Derek, kungdi po-sible ring maging best actor sa mga darating na awards season.

“Kung hindi ko iniisip na maging sikat na artista, hindi ko rin na-imagine na sasabihin ng mga tao na mahusay din akong actor,” ever humble niyang sabi.         “But I worked on my Tagalog. Ayoko na basta Tagalog lang, kungdi ‘yung Tagalog na ginagamit ng mga Pinoy.”

Hindi rin akalain ni De-rek na matutupad ang simpleng hiling niya, nang lumayas siya sa bahay nila at manirahan sa isang depressed area sa Kyusi, ka-sama ang isang kaibigan.

“Sa mismong  bahay ni-ya ako tumira. Ang mga ka-usap ko araw-araw ay jeepney  drivers, at mga nagti-tinda ng kakanin sa kantu-kanto. Sa kanila ko natutuhan ang tamang pagbigkas ng Tagalog.

“I have to thank my friend for the experience ka-si I really learned the way Tagalog should be spoken.”

Tamang Tagalog coupled with an innate acting talent (ayon sa manager ni-yang si Joji Dingcong) gave Derek the Blockbuster Actor na ngayon lang ginamit sa isang showbiz personality.        As expected, lalong kilig-kiligan si Angelica Panganiban, dahil banggit-banggitan siyang lagi kapag natatanong si Derek kung ano ang naka-pagpaligaya sa kanya nga-yon.

“My family and Ange-lica,” sagot ng blockbuster actor. “Now that I feel this way (masaya), gusto  kong sila ang makasama at ma-ka-share ng nararamdamn ko.”

Hindi pa binabanggit ni Derek na sa darating na Pasko ay plano niyang magba-kasyon kasama ang kanyang pamilya at si Angelica sa isang masayang lugar out of the country.

Gusto rin  sana ni Derek na isama ang pamilya ni An-gelica, pero, mahiyain daw ang mga ito.

“Lalo na ang mommy niya,” dagdag niya. “Before or after Christmas, doon naman kami sa bahay nila pupunta.”

*  *  *   

Muntik palang umurong si Robin Padilla sa balik-tambalan nila ni Vina Morales sa isang programa ng Dos.

“Baka kasi magkaila-ngan kami,” paliwanag ni Robin. “Nabasa ko kasi sa script na marami kaming yakapan, mahirap na.”

Ang inaalala ni Robin ay ang kanilang nakaraan ni Vi-na.

“Buti na lang at sinabi sa akin ng asawa ko (Mariel) na paborito niya si Vina. At boto siya dito sa muli naming pagtatambal. Kaya, natuloy.”

*  *  *        Kung hindi gaanong napapansin ang isang Mercedes Cabral sa Amaya na pinagbibidahan ni Marian Rivera, with Sid Lucero, Aljur Ab-renica, Lani Mercado at sangkatutak pang iba, posibleng matulala ang Kapuso network sa susunod niyang project sa ibang istasyon.

Si Mercedes Cabral lang naman ang indie starlet na nililigawan ni Coco Martin. At hindi ‘nasisindak’ ang Mercedes sa pagligaw sa kanya ni Coco.

Hindi rin ‘nasindak’ si Mercedes sa titulong ibinigay sa kanya nang mag-represent siya ng unang indie film na nilahukan nila sa Cannes. Itinanghal siyang Most Beautiful Actress, yes po, sa Cannes Film Festival. Ang indie movie na kalahok ay Serbis. Yes din, doon nag-kurus ang landas nila ni Co-co Martin na sinundan ng Kinatay.

Kung sa Serbis ay may damit pa siya sa love scenes  nila ni Coco, sa Kinatay tuluyang nalaglag ang nalala-bing saplot niya sa katawan.

Sabi ng direktor nilang si Dante Brilliante: “Mag-asawa sila sa Kinatay. At nang hingin ko sa kanilang ipaki-ta kung paano  nagtatalik ang mag-asawa, alam na nila kung ano’ng ibig sabihin ng hinihingi ng eksena.”

Mercedes was a Fine Arts student nang mag-audition for the role. At pawang papuri ang maririnig kay Direk Brilliante when he speaks of Mercedes.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC