6,558 guests

Camille, tahimik tungkol sa kasal

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 595
Camille Prats Camille Prats

WALA pang inilalabas na detalye  sa kanilang nalalapit na pagpapakasal ang engaged couple na sina Camille Prats at US-based fiancé nitong si John Yambao. Pero malamang na ito’y mangyari early next year.

Si Camille ay limang taon nang biyuda sa unang asawang si Anthony Linsangan na sumakabilang-buhay noong September 23, 2011 dahil sa nasopharyngeal carcinoma.  Ang couple ay may isang anak, ang 7-year-old na si Nathan na pumasok na rin sa showbiz sa pamamagitan ng “Goin’ Bulilit” ng ABS-CBN kung saan pareho nagsimula ang showbiz career ng kanyang inang si Camille Prats at uncle na si John Prats.

Close si Nathan sa kanyang magiging step-father na si John.

Camille and John got engaged last July.

MARK ANTHONY, MALAKAS ANG SUPPORT SYSTEM

NAILIPAT na ang actor na si Mark Anthony Fernandez mula sa Station 6 ng Angeles City, Pampanga papunta sa provincial jail ng Pampanga.

Dahil isang kilalang celebrity si Mark Anthony maging ang kanyang mga magulang at ibang mga  kaanak, hindi talaga maiiwasan na dagsain ito ng mga bisita na nagmumula sa showbiz.

Anak si Mark Anthony ng yumaong action star na si Rudy ‘Daboy’ Fernandez sa actress-politician.  Half-siblings naman ni Mark sina Vandolph Quizon, Rap at Renz Fernandez at maging sina Winwyn at VJ Marquez.  Tiyuhin niya (sa pinsan) sina Robin Padilla, Rommel Padilla at BB Gandanghari at kamag-anak rin niya (sa father side) si Daniel Padilla.
   
Malawak ang pedigree ng pamilya ni Mark Anthony.
   
Bukod sa mga kamag-anak, marami ring sariling kaibigan si Mark sa loob at labas ng showbiz.
   
Very strong ang support system ni Mark, pero ang korte pa rin ang magde-desisyon sa kanyang magiging kapalaran.
   
Dahil sa nangyari kay Mark at maging sa ibang nahuling celebrities na may kinalaman sa ipinagbabawal na droga, sana’y magsilbi itong babala sa iba pa nating celebrities na patuloy sa kanilang masamang bisyo.

MARK HERRAS, ULILANG LUBOS NA

ULILANG lubos na ang actor na si Mark Herras dahil ultimo ang kanyang uncle at itinuring na foster father na si Herminigildo (Hermie) Santos ay sumakabilang-buhay na rin noong nakaraang Oktubre 7.
   
Durog ang puso ngayon ni Mark sa kanyang pangungulila sa kanyang mga mahal sa buhay – ang kanyang lola na tinawag niyang Mamang, ang kanyang ina na si Jasmin Santos (na yumao nung nakaraang Abril) pati na ang kanyang Daddy Jun. Ngayon pati na ang kanyang Papa Pim na si Hermie ay iniwan na rin siya.
   
Ang isang taong nagpapatibay sa kanya ngayon ay ang kanyang kasintahan na si Winwyn Marquez maging ang kanyang kaisa-isang anak na si Ada.  Nariyan din ang kanyang mga kaibigan na patuloy na nagbibigay ng suporta sa kanya.
 
Nagluluksa man ngayon si Mark sa pagpanaw ng kanyang Papa Pim, life goes on para sa kanya.

JAYA AT KAPATID, MATINDI ANG AWAY DAHIL SA INA

ISANG taon na last October 8 na namayapa ang veteran singer-comedienne na si Elizabeth Ramsey pero hanggang ngayon ay may hidwaan pa ring namamagitan sa kanyang mga anak between Jaya and her other siblings na pinangungunahan ng US-based na si Susan.
   
Kamakailan lamang ay umuwi ng Pilipinas si Susan para ilipat mula Antipolo (kung saan ito inilibing) ang kanilang ina sa libingan ng mga Ramsey sa Negros. Bukod sa paglipat ng libingan, nagpakawala si Susan ng maaanghang na salita laban kay Jaya.
   
Since this is a family squabble, sana’y mag-usap-usap sila nang maayos para mabigyan ng tuluyang kapayapaan ang pagyao ng kanilang  ina.
   
Kahit noong nabubuhay pa si Elizabeth, nakarating din sa amin ang balita na may tampuhan  umano ang mag-inang Elizabeth at Jaya.
   
Samantala, saan kaya napunta ang napakaraming collection ni Elizabeth ng mga Sto. Niño?  Sa pagkakaalam namin, puno ang isang kuwarto  ng iba’t ibang Sto. Niño sa matagal na collection ng singer-comedienne at ito’y personal naming nakita nung sa Sunnyvale, California pa nakatira si Elizabeth at ang kanyang mga anak.  We had an exclusive interview noon kay Elizabeth na ipinalabas sa now-defunct showbiz-oriented show na  “S-Files”. 
   
Ang alam namin, ang collection ni Elizabeth ay inilipat niya ng Pilipinas nang mag-decide siyang dito muling mamirmihan.

GEORGINA, UNANG NABUNTIS

SA magkakaibigang sunud-sunod na ikinasal sa taong ito, si Georgina Wilson-Burnand ang unang nabuntis courtesy of her British husband na si Arthur Burnand.
   
Although  hindi pa inihahayag ang gender ng magiging first baby ng mag-asawa, nakatakda na itong magsilang sometime in December.
   
Ang soon-to-be-mother ay binigyan ng baby shower ng kanyang kapatid na si Jessica Wilson recently na  dinaluhan ng malalapit na mga kamag-anak at kaibigan ng couple.  Dumalo sa nasabing pagtitipon ang iba pang newly-wed couples na sina Solenn Heussaff at husband nitong si Nico Bolzico, ang mag-asawang Isabelle Daza at Adrien Semblat, ang mag-asawang Crystalle Belo at Justin Pitt at maging ang magkasintahang Anne Curtis at Erwan Heussaff at iba pa nilang mga kaibigan.