4,847 guests

Listahan ng mga artistang sangkot sa droga, hawak na ni Digong

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1373
Heart Evangelista Heart Evangelista

HAWAK na diumano ni Pangulong Rodrigo `Digong’ Duterte ang listahan ng 50 showbiz personalities na nasasangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Hindi umano exempted ang mga kilalang personalidad sa showbiz na sila’y pangalanan o di kaya mapabilang sa Oplan Tokhang ni PNP Chief Ronald `Bato’ De la Rosa.

Nung midnight ng Linggo, September 25 ay nahuli sa akto ang dating sexy star na si Sabrina M. (Karen Salas Palasigui), 28,  na gumagamit ng shabu sa kanyang tahanan sa No. 9 Pulangi St., Napocor Village, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City kasama ang dalawang lalake na sina Erwin San Martin (29) at Edwin Locsin Coloma (38) sa isang drug buy-bust operation ng District Anti-Illegal Drugs Special Operation ng QCPD.  Nakita rin sa lugar ni Sabrina M. ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at drug paraphernalia.

Si Sabrina M. at kanyang mga kasama ay kakasuhan ng R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, mukhang hindi natitinag ang ilang showbiz personalities  sa drug war campaign ni Pangulong Digong dahil patuloy pa rin ang mga ito sa kanilang illegal activities na may kinalaman sa ipinagbabawal na droga.  Hihintayin kaya nila na sila’y pangalanan o di kaya mahuli?

HEART, PUMIRMA MULI SA VIVA

PAGKARAAN ng limang taon, muling pumirma ng panibagong two-year contract with Viva Artists Agency (VAA) ang singer-actress-celebrity endorser and painter si Heart Evangelista sa VAA nitong nakaraang Lunes ng hapon, September 26  na ginanap sa boardroom ng Viva Entertainment office.

Ayon kay Heart, masaya umano siya sa pamamahala sa kanyang career ng VAA kaya siya muling lumagda ng kontrata sa kumpanya na kinabibilangan din nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Cristine Reyes, James Reid, Nadine Lustre, Alonzo Muhlach at marami pang iba.

Sinabi ng misis ni Sen. Chiz Escudero na habang hindi pa umano sila nagkaka-baby ng kanyang mister ay patuloy umano siya sa kanyang mga showbiz commitments at maging sa kanyang pagpipinta na nag-expand na sa mga mahahaling gowns at Hermes bags.
   
Next month ay tutulak si Heart patungong Paris para sa kanyang tie-up with a big company  in Paris na may kinalaman sa kanyang pagpipinta ng mga Hermes bags, one if not the most expenstive bags in the world.  Na-discover ng kumpanya in Paris ang kakaibang talent ni Heart sa pagpipinta sa Hermes bags sa pamamagitan ng social media kung saan naka-post ang mga bags na pinintahan mismo ng singer-actress-painter.  
   
Sinabi ni Heart na nakatakda niyang pintahan ang mga gown ng mga abay ng kanyang sister na si Camille na nakatakdang ikasal bago magtapos ang taong ito.  Ang kaibigan naman niyang fashion designer na si Mark Bumgarner ang gagawa ng wedding gown ng kanyang sister.
   
Super proud kay Heart ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero sa  mga bagay na kanyang pinagkakaabalahan ngayon at very supportive umano ito sa kanya.
   
Ngayong nagtapos na ang daily TV series na kanilang pinagtambalan ni Dennis Trillo, ang “Juan Happy Love Story,” nag-suggest pa umano si Sen. Chiz na maganda siguro kung ito’y gagawing isang weekly sitcom bagay na nakarating umano sa pamunuan ng GMA at positibo umano ang kanilang response tungkol dito.
   
Ngayong wala pang bagong regular TV show o pelikulang pinagkakaabalahan si Heart, naka-focus umano ang kanyang attention sa pagpipinta at sa ipinagagawang bahay in New Manila, Quezon City plus her various product endorsements.
   
During the contract signing, inamin ni Heart na may pre-nuptial agreement umano silang pinirmahan ni Sen. Chiz Escudero kaya wala umanong isyu sa kanila pagdating sa perang kanilang kinikita.  Pero natutuwa si Heart kapag pinaaalalahanan na siya ng kanyang mister tungkol sa paggasta.
   
Kahit may kambal na anak na si Sen. Chiz sa ex-wife nitong si Christine Flores, ang fraternal twins na sina Chesi at Quino, gusto pa rin siyempre ni Heart na magkaroon sila ng sariling anak sa kanyang mister.  Heart, by the way, is close to her twin stepchildren.

ANDI, TAHIMIK PA RIN TUNGKOL SA PAGBUBUNYAG NI MAX

MAITUTURING na parang isang telenovela ang buhay-pag-ibig nina Andi Eigenmann, Albie Casino at Jake Ejercito kung saan kasali ang five-year-old daughter ni Andi na si Ellie (Adrianna Gabrielle Eigenmann).
   
Magmula nang isilang ni Andi si Ellie noong November 23, 2011 ay naging palaisipan na sa publiko kung sino kina Albie at Jake ang ama ng bata.  Nasentro ang attention sa teen-age actor then na si Albie na siya umano ang ama ng bata pero hindi nito inako ang responsibilidad.         Hanggang i-suggest ng ina ni Albie na ipa-DNA test umano ang bata para magkaalaman kung sino talaga ang biological dad ng baby ni Andi.  Nagalit siyempre si Andi at maging ang kanyang ina, ang award-winning actress na si Jaclyn Jose.
   
Since magkagalit na noon sina Andi at Albie, si Jake naman ang naging kakampi ni Andi at naroon ito sa mga panahong kailangan niya ng karamay.  Naging very close din si Jake kay Ellie at may mga times pang nagba-bonding ang `mag-ama’.  Marami pa ang humanga kay Jake dahil sa pagiging malapit nito kay Ellie kahit hindi umano siya ang ama ng bata.  Pero natuldukan ang agam-agam ng lahat dahil sa pag-amin ng half-sister ni Andi na si Max Eigenmann na si Jake umano ang tunay na ama ni Ellie.
   
Hindi in good terms ngayon sina Andi at Jake pero sana’y maging magkaibigan pa rin sila alang-alang sa kanilang anak na si Ellie.  At hindi rin kami magtataka kung muling magkabalikan ang dalawa balang-araw.
   
Samantala, na-vindicate naman si Albie na naging kontrabida noong ipinagbubuntis hanggang isilang ni Andi si Ellie.  Nag-suffer noon ang kanyang career kung kelan papataas pa lamang.
   
Si Albie ang original na ka-loveteam ni Kathryn Bernardo bago dumating si Daniel Padilla.  Dahil sa pagiging `nega’ noon ni Albie dahil sa kontrobersiya sa kanila ni Andi, nag-suffer nang husto ang kanyang papausbong na career.      Samantala, kailan naman kaya magsasalita si Andi para patotohanan ang statement ng kanyang half-sister na si Max Eigenmann na si Jake ang totoong ama ng anak niyang si Ellie na maglimang na taon na sa darating na November 23?

SOFIA, ‘DI NA MAHIYAIN

NATUTUWA ang ilang entertainment media na nakakuwentuhan ni Sofia Gonzalez, ang 17-old daughter ni Mayor Kring-Kring Gonzalez-Romualdez at dating Tacloban mayor Alfred Romualdez dahil nag-warm up na ito at hindi na ilag makipag-usap tulad nung una na masyadong mahiyain pa.
   
When it comes to her passion about music, non-stop siyang magkuwento.
   
Although ayaw niyang magsalita nang patapos, mas papaboran niya anytime ang singing more than acting.
   
“Singing is my first love,” diin ni Sofia.
   
Ngayong malapit nang maisakatuparan ang pagkakaroon niya ng album under Viva Records, excited siya tungkol dito dahil baka mapasama ang sarili niyang composition tulad ng “Love Hurts”.