5,753 guests

Leading man ni Jen, napili na

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 586

Sobrang na-miss ni Jennylyn Mercado ang pagkanta kaya excited siya sa bagong album na Ultimate under Ivory Records. Her last album was in 2014 under GMA Records.

Ayon kay Jen, medyo naisantabi niya ang recording for the past two years dahil sa dami ng kanyang ginagawa.

“Nag-focus po ako sa pelikula, sa soap, puro ganu’n po muna. Tapos nu’ng natapos na, after nu’ng Just the Three of Us, habang wala pang susunod na project, sabi ko, doon (sa music) na lang muna ako magpu-focus,” say ni Jen sa launching ng album.
   
Matagal din daw nilang pinaghandaan ang new album. Sa pagpili na lang daw ng mga kanta ay inabot din sila ng kung ilang buwan. Siyempre, kasama siya sa mga namili ng songs.
   
Ang album ay naglalaman ng seven tracks at ang pinakapaborito niya ay ang carrier single na Hagdan.
   
“Kasi very inspirational siya. Nandu’n sa lyrics, parang ang daming hindi naniwala, ’yung ganyan, pero ginawa mo lahat para matupad ang gusto mong abutin sa buhay, hindi forever nasa baba ka, bilog ang mundo, ganyan,” sey ni Jen.
   
Asked kung ano ang kantang para kay Dennis, ani Jen, wala dahil medyo malulungkot ang songs sa album.
   
At dahil nga na-miss din ng fans ang boses ni Jen, the moment na ma-release sa iTunes ang digital format, nag-no. 1 ito agad at kinabog ang mga sikat na international singers tulad nina Taylor Swift, Charlie Puth, Adele at iba pa.
   
Naging Most Wanted Song naman ang Hagdan sa Barangay LS.
   
Samantala, naibalita rin ni Jen na may napili nang leading man para sa serye niyang My Love From the Star.
   
Siyempre, wala raw siya sa posisyon na magsabi ng iba pang detalye kahit kinulit-kulit siya ng entertainment press kung ano ang hitsura, mahusay bang umarte, gwapo ba, saan galing, may pangalan pa at kung anu-ano pa.
   
Basta ang masasabi lang ni Jen, hindi ito artista at napili ito sa audition na isinagawa ng network.
   
Of course, nakita na raw niya ito pero tayo na raw ang mag-judge nang tanungin kung gwapo.
   
“Basta moreno po siya, ayoko nang magsalita, basta tingnan na lang n’yo, kasi baka ilalabas na rin siya soon,” sey niya.
   
Okay lang daw sa kanya na baguhan ang makakapareha niya.
   
Sa October na raw sila magsisimula ng taping ng nasabing remake ng hit Korean series.
   
Anyway, kasama rin sa pitong awitin sa album ang Suddenly (with Christian Bautista), Bulalakaw (with Silent Sanctuary), Nakaw-Tingin, Huling Paalam, Lampara at Magkaibang Mundo.
   
Sa Friday, Sept. 23, 6 p.m., catch Jennylyn as she performs live songs from her album sa Trinoma Activity Center with guests Sarkie Sarangay of Silent Sanctuary and Zack & Frits.