5,269 guests

‘Gising’ na ang taumbayan

  • Written by Paul Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 375

Paul's alarm

BAGO ang lahat, ipinababatid natin sa lahat ng kasapi ng National Press Club -- regular, lifetime at associate -- na gaganapin natin ang pagdiriwang para sa ika-64 anibersaryo ng NPC sa araw ng Biyernes, Oktubre 28, isang araw bago ang aktwal na pagkakatayo ng ating samahan higit anim na dekada na ang nakaraan.

Ang ‘theme’ sa taong ito ay, ‘Going Strong at 64!’

“Alay” ng NPC  ang okasyong ito sa mga nakinabang, at patuloy na nakikinabang, sa ating ‘educational assistance program,’ ang ating  ‘scholars.’

Halos isang dekada nang ipinatutupad ng NPC ang “ayudang” ito sa kanyang mga miyembro, sa paniwala na ang edukasyon at “karunungan” ay isang “pamana” ng isang magulang sa kanyang mga anak na walang katumbas na halaga; pormal na edukasyon din ang nagdaragdag sa dignidad at propesyunalismo ng isang mamamahayag.

Sa ngayon, “puspusan” na ang ginagawang paghahanda ng liderato ng NPC upang matiyak na “makabuluhan” (memorable) at siyempre pa, maging masaya ang naturang okasyon.
   
Mabuhay ang malayang pamamahayag, mabuhay ang National Press Club!
   
At salamat din sa ating mga “kapatid” sa Eastern Police District Press Corps sa pangunguna ni kasamang Neil Alcober ng Manila Times sa kanilang “pagsalida” sa NPC noong Huwebes kung saan naghiwalay ang buong tropa na “walang hulas” kahit isa! Beer pa, hehehe.
   
At huwag namang “itataba” ng puso ni EPD district director (at “kaibigan” natin) na si DD Romulo Sapitula, “pinaliguan” siya ng “papuri” ng ating mga ‘EPDPC Boys’ sa pangunguna ni Pang. Neil, mismo!
   
Bukod sa maganda nga naman ang ‘accomplishments’ ni DD Sapitula na kinaiinggitan, err, pinag-uusapan, kahit sa bakuran ng Camp Crame, “maganda” rin umano ang relasyon ng mga pulis-EPD at ng media.
   
Halimbawa sa magandang kampanya ng EPD ay ang kanilang ‘Oplan Tokhang’ kahit sa  ‘exclusive subdivisions and condominiums’ kung saan “lutang na lutang” ang propesyunalismo ng ating mga pulis, yehey!
   
At siyempre pa, sa EPD, kapag “naengkuwentro” ang mga kriminal at drug suspects, aba’y sigurado, “DOS” (dead on the spot) o “DOA” (dead on arrival) sa ospital, period! Kumbaga, “malayo” sa MPD ni DD Jigs Coronel  na ’yung “bangkay” ng drug suspect, “bumabangon” dahil “buhay” pa pala, hahaha!
   
“Okay si DD Sapitula, Pang. Paul,” bida pa ni kasamang Neil. “Lalake siyang kausap!”
   
Naman! ’Yun bang pinalitan niya hindi lalake... na kausap, kasamang Non Alquitran? Just asking, hihihi!

* * *
   
Mukhang “tumitibay” ang ating hinala, dear readers, na walang balak ang mga elitista at grupong “Dilawan” na tumigil sa kanilang kampanya na agarang pabagsakin ang administrasyon ni Pang. Rody Duterte bagaman nga wala pa itong ‘100 days’ sa puwesto.
   
Kahapon, isang araw matapos ang walang kakuwenta-kuwentang “drama” ng grupong LP sa Senado tampok (siyempre) si Sen. Leila ‘Basta Driver Sweet Lover’ de Lima at ang kanilang ‘coached witness’ na si Edgar Matobato, nakatanggap ako ng text message mula sa numerong ito -- 09984589563.
   
Anang ‘text message:’ “Let’s converge, let’s unite vs Duterte. Please attend today’s rally at EDSA People Power Monument, 3p.m., and let us call for his resignation.
   
“This will (be) spearheaded by Duterte Resign Movement, Magdalo and other political personalities.
   
“Walang alisan dito, tuluy-tuloy tayo! Please pass.”
   
Aber, gusto pa bang itanggi ng LP na “wala” silang alam at partisipasyon sa destabilisasyon na ito laban sa ating pamahalaan?
   
Eh, ano ba kasi ’yang People Power Monument na ’yan, mga kabayan?
   
Hindi ba ’yan, kasamang Ding Ladayo, ang “sumisimbulo” sa “tagumpay” ng mga “Dilawan” (read: Liberal Party) laban kay Pang. Marcos?
   
Hindi ba ang monumentong ito ang “kumakatawan” sa buong interes ng mga elitista at naghaharing uri at ‘rallying point’ nila sa iligal at kriminal na pang-aagaw ng puwesto, una kay Marcos noong 1986 at ikalawa kay Pang. Erap noong 2001?
   
At ngayon dito na naman magtitipon ang mga gustong magpabagsak sa ating bagong gobyerno.
   
Eh, dapat pa bang itanong kung “sino” ang mga ‘puppet master’ sa panggugulong ito, aber?
   
Ano rin kaya ang reaksyon dito ng mga kasapi ng Magdalo na umano’y mga “kaaway” ng mga tiwali subalit nakikinabang naman sa “grasya” mula sa ating “bulok na sistema” at grasya mula sa Palasyo?
   
Katulad nitong si BOC Comm. Nick Faeldon, mga kabayan.
   
Wala ba siya -- at mga “binitbit” niyang ‘Magdalo’ sa Aduana -- na gagawin upang linawin ang partisipasyon (umano) ng kanilang grupo sa hayagang pagkilos na ito upang pabagsakin si Pang. Digong?
   
Aba’y tumindig, kumilos o magsalita ka naman kahit konti, Comm. Nick at ipagtanggol mo ulit si Pang. Rody, hane?
   
Huwag naman pulos na lang “pag-iipon” -- ng kapangyarihan -- ang atupagin ninyo ng grupo mo d’yan sa pantalan, hehehe!
   
Porke ba “pinalalayas” ka na d’yan sa BoC ng mga orihinal na mga grupong sumuporta kay PDU30 noong halalan dahil sa isyu ng “pang-aabuso sa kapangyarihan” at umano’y “pekeng kampanya” mo laban sa smuggling, “lalayuan” mo na ang ating mahal na pangulo? Kumbaga, huwag kang “pusong mamon,” Bosing, hihi!
   
Sa ganang atin, mga kabayan, ngayon na pilit “hinahati” ng mga elitista ang lipunang Pilipino upang maibalik ang kanilang karumal-dumal na paghahari, ngayon dapat “patunayan” ng grupo ni Comm. Nick na bagaman ‘Johnny-come-lately’ siya sa kampo ni Pang. Rody, “may tibay na maaasahan” sa kanya, hindi ba, mga kabayan?
   
Sa panig naman natin mga kabayan, naniniwala tayong hindi na “matatanso” ng mga Dilawan at ng mga elitista tayong mga ordinaryong Pinoy. Kesehodang sila ang may “kontrol” sa malaking bahagdan ng ‘mass media.’
   
Dangan kasi, “salamat” sa anim na taon ng maka-uri at maka-dayuhang administrasyon ni PNoy, ganap nang “namulat” ang mga Pilipino na walang kinabukasan at wala tayong patutunguhan kung mga elitista ang patuloy na maghahari sa ating bayan.
   
Kay Pang. Rody, ganap na “nagising” ang taumbayan.