6,280 guests

P13 bilyon? Susmariosep!!

  • Written by Paul M.Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 285

BAGO ang lahat, nagpapasalamat ang National Press Club kay Sen. Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri, sa kanyang mainit na pagtanggap sa liderato ng NPC sa ginawa naming ‘courtesy call’ sa kanya noong Miyerkules.

Natutuwa rin tayo na “nagpaunlak” si Sen. Migz na “ibalik” ang ginawang pagbisita natin sa kanya namang pagbisita sa NPC sa susunod na linggo. Salamat ulit, Sen. Migz!

Nagpapasalamat din tayo kay Ms. Veronica Tapia-Merk, ‘consultant’ ng International Association of Business Communicators (IABC) at pangulo ng Laurel Media, sa kanyang pagtulong sa NPC na “ibalik” ang ‘Celebrity Night’ na tinatampukan ng mga ‘world class performers’ upang magbigay saya sa ating mga miyembro.
    
Muli, thank you, Ms. Veronica, sa “matagumpay” na ‘Laurel Media High at the NPC’ noong Miyerkules ng gabi.
    
At sabi nga sa isang kanta… ‘Sana maulit muli,’ hehehe!
    
Nasimulan na rin lang ang pagbati at pasasalamat, ‘congratulations’ sa Laguna Thursday Civic Club (LTCC) sa kanilang ika-20 anibersaryo kahapon kung saan isa tayo, bilang pangulo ng NPC, sa mga naimbitahang magsalita.
    
Ang LTCC, mga kabayan, ay binubuo ng mga prominenteng personalidad at mga negosyante sa Laguna kung saan ang pangulo pala ngayon, Boss Joey Venancio ng Police Files Tonight (congrats din sa inyong anibersaryo), ay itong iyong ‘reporter’ na si Pareng Dick Garay (na pangulo rin ng Laguna Police Office Press Corps).

* * *   

Harinawang hindi nahulog sa kanyang silya si Department of Finance (DoF) Secretary Sonny Dominguez sa ulat na umabot sa higit P13 bilyon ang naging ‘collection deficit’ ng Bureau of Customs noong Hulyo -- ang unang buwan bilang Customs Commissioner ni Nicanor Faeldon.
    
Para kay Comm. Nick, napakalaking kahihiyan, nye, sakit ng ulo, ang pangyayaring ito, hindi ba mga kabayan?
    
At hindi malayo na “sumakit” din ang “ulo” sa eskandalo, agh, problemang ito ng ating ‘finance and fiscal managers’ sa pangunguna ni Sec. Sonny at DBM Sec. Ben Diokno, dahil huwag na silang “umasa” pa na makukolekta ng BoC ang ‘assigned collection target’ nito na halos P500 bilyon ngayon taon.
    
Dangan kasi, P13 bilyon ‘revenue deficit?’ Susmariosep! Saang “kamay” ng Langit “babawiin” ng pamahalaan ang ganito kalaking halaga, aber?
    
Sa laki ng “salto” ng BoC sa unang buwan pa lang ni Comm. Nick, “totoong himala” ang kailangan niya upang “salagin” ang masamang reputasyon ng BoC bilang ‘most corrupt agency’ at sa kanyang termino, bilang ‘worst tax collection agency.’
    
Kung “sumasakit” ngayon ang ulo ni Comm. Nick sa isyu ng tax collection, hindi naman tayo nagtataka kung “lihim na nagbubunyi” ang kanyang mga kritiko sa hanay ng kanyang mga empleyado at opisyales na binantaan pa niyang “papatayin” sa kanilang paghaharap noong Hulyo 23, kung hindi aniya titigil sa mga gawaing tiwali.
    
Lumalabas kasi na ang ginagawang “pananakot” at ‘bullying tactic’ ni Comm. Nick  sa kanila ay nagdulot lang ng masamang epekto sa kakayahan ng kanilang ahensiya na mangalap ng buwis para sa bayan.
    
Puwede ring isipin na kahit si dating Customs Commissioner Alberto Lina ay “napapangiti” dahil sa nagdudumilat na P13 bilyon ‘deficit’ ng BoC ngayon.
    
Marahil pa nga, gustong sabihin sa atin ni Comm. Bert, “Oh, ano, Paul, palagi mo akong ‘binabanatan’ sa isyu ng collection deficit eh, mas masahol pa pala ngayon sa unang buwan pa lang ni Faeldon. Say mo?”
 
Say ko? Eh, di, grabe ka naman, Comm. Nick, hehehe, ayy, huhuhu!
    
Dangan kasi, sa aking naisulat na balita noong nakaraang Nobyembre 9, 2015, pinansin natin na ‘historic high’ para sa BoC ang higit P11 bilyon na ‘deficit’ ng Aduana sa buwan ng Oktubre 2015 sa ilalim ng liderato ni Comm. Bert.
    
At napansin pa natin na pagkatapos nito, “naghigpit” na ng paglalabas ng mga datos hinggil sa ‘actual collection figures’ ang BoC hanggang sa matapos ang termino ni Comm. Bert -- “umiiwas” siguro na “makantiyawan” natin ulit, hehehe!
    
(Bagaman alam nating may “tampo” sa atin si Comm. Bert, “pupurihin” ko pa rin siya, kasamang Evelyn Macairan ng Phil. Star dahil kahit kailan, hindi siya nagpakita ng “pagkapikon” sa atin at nakikipagbiruan pa nga kahit hindi niya gusto ang ating naisulat).
    
(Mabuhay ka, Comm. Bert at salamat sa iyong pag-unawa na ang aking ginagawa ay “trabaho lang at walang personalan”).
 
(Napakalayo ng iyong pagkatao at karakter sa isang bagong customs official na ipinuwesto ni Pang. Rody Duterte na ayon sa mga miron ay “patalikod” na “minumura” ang mga miyembro ng media na ang mga ulat ay hindi niya “kursunada”).

* * *   

Ayon naman sa iba pang miron, “wa epek” sa ilang mga bagong “pinagpala” sa pantalan ang mga pagbabanta ni Comm. Nick na handa siyang “pumaslang” matigil na lang ang katiwalian sa BoC. Sundan sa Pahina 5