5,476 guests

Soap kay Toni, huli ni Piolo

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 503

Inamin ni Piolo Pascual na pagod na siyang gumawa ng teleserye at puro pelikula na lang ang gusto niyang gawin ngayon.

“Ang totoo, pagod na akong mag-series. Vocal naman ako sa ABS-CBN, but of course, I’ve done more than a dozen soaps. ’Pag nag-series ka, ’pag nag-soap ka, tali ka, eh. Wala kang ibang gagawin, ’yun lang.

“I wanna do movies, I’m also into music, I’m also into other things. So, ubos ang oras mo,” sey ni Papa P.

May naka-schedule pang isang teleserye si Piolo sa ABS-CBN na dapat sana’y last year pa nasimulan, ang Written in Our Stars with Toni Gonzaga and Sam Milby.
   
Pero dahil nga nabuntis ang leading lady nila ay pansamantalang na-shelve ang project.
   
Pero kinumpirma ni Piolo na gagawin pa rin nila ang serye at hinihintay lang na makapanganak si Toni.
   
“Since naka-commit ako kay Tin (real nickname ni Toni) sa Written in Our Stars, sabi ko, gagawin ko ang Written in Our Stars. Nasimulan na namin and siyempre, gumastos na ang istasyon du’n. ’Pag okay na si Tin next year, gagawin ko ’yun, I will honor my commitment,” say pa ni Piolo.
   
Kung sakali ba ay last serye na niya ’yun?
   
“Eh, umiiwas na tayo sa soap. Meron namang ibang pwedeng bagay do’n.”
   
Sa ngayon, gusto na lang daw niyang gumawa ng movies dahil mas marami raw siyang nagagawa.
   
“Ibigay na lang natin sa nakababata ’yung soap, ’di ba?” sambit ng aktor.
   
Naka-schedule si Piolo na gawin ang Once in a Lifetime ng Regal Films, Spring Films at Star Cinema with Yen Santos.

* * *

Sa press launch ni Myrtle Sarrosa bilang bagong endorser ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners, natanong ang may-ari ng Megasoft Hygienic Products, Inc. na si Aileen Go kung bakit hindi na nila ni-renew si Maja Salvador na matatandaang kinuha nilang endorser last year.
   
“Actually, kasi for Maja Salvador naman, last year, ’yung aming objective is for the young professionals.        
   
“So, sobrang thankful din kami actually kay Miss Maja kasi talagang nakita natin na ’yung sales talaga natin, eh, talagang na-achieve natin ’yung gusto nating mangyari.
   
“Kaya lang, for this year kasi, we opted na to really maximize ’yung sa students naman. Kaya naisip namin na since students naman, naisip namin na dapat ’yung ating celebrity endorser is a celebrity student talaga,” paliwanag ni Aileen.
   
Ang campaign daw kasi this year ng Sisters Sanitary Napkin ay “School is Cool.” Gusto raw nilang i-encourage ang mga kabataan na i-pursue ang pag-aaral lalo na ang mga kabataang may pinagdaraanang problema, financial man o personal matter.
   
Si Myrtle raw ang perfect for the campaign bilang estudyante rin ito at kahit gaano pa ka-busy ay talagang hindi pinapabayaan ang pag-aaral.
   
Graduating na si Mytrle sa UP Diliman sa kanyang second course na Broadcast Communication. Naka-graduate na siya, actually, ng Accounting, pero talagang nag-enroll siya ulit para sa bagong kurso at ngayo’y running for cum laude.
   
Bukod kay Mrtyle, bagong endorsers din ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners ang Hot Legs dancers na sina Nesh, Labb, Cath at Alex dahil pawang naka-graduate na rin ang mga ito ng kani-kanilang kurso kaya perfect din daw ang mga ito para sa School is Cool campaign.
   
Part ng campaign ay bumista sa iba’t ibang schools para mamahagi ng Sisters’ Choice Awards. Namahagi na sila sa Norala High School sa South Cotobato at sa Gingoog City Comprehesive School sa Misamis Oriental.
   
Ang next stop naman nila ay sa Davao at Negros Occidental.
   
Nakatakda rin silang mag-ikot sa mga mall ngayong buwan para sa I Love My Sisters mall concerts.
   
Nasa SM Dasma sila sa Aug. 6, SM Baguio on Aug. 20 at SM Rosales, Pangasinan sa Aug. 21.
   
They will also be performing at the Kadayawan Festival sa Gaisano Grand Mall sa Davao on Aug. 19.