5,100 guests

Pagsusuot ng high heels ni Ryan, palung-palo!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 546

PINANOOD ni Judy Ann Santos ang asawang si Ryan Agoncillo na guest performer sa Challenge Accepted ng Eat Bulaga kahapon. Nagsayaw si Ryan nang naka-high heels at sa Instagram account ng young superstar inihayag ang paghanga sa asawa.

“In fairness bub… palung-palo!!!! Arms pa lang ulam na!! Inday!!! Kanin nga! ’Yung puti!!! Pakitabi na rin mga heels ko pls.” post ni Juday.

Pula kasi ang suot na heels ni Ryan. Saad niya after ng number, para sa anak niyang lalaki ’yon.

“Lucho huwag mo itong gagayahin! Ha! Ha! Ha!” bulalas ng asawa ni Judy Ann.

* * *

PANGARAP pala ni Nico Bolzico na may babaeng nagluluto sa kanya na braless. Natupad naman ’yon dahil pinagluto siya minsan ng asawang si Solenn Heussaff na walang bra, huh! Kinunan pa niya ng pic ang asawa at pinost sa Instagram account niya.
   
Eh, ’pag nagpaseksi naman kasi si Solenn, hindi na niya kailangang hingin ang permiso ni Nico. Very supportive kasi siya sa career nito kaya ’yung picture ni Solenn na hubad at kita ang puwet, pinakita niya kay Nico ’yon hindi para hingin ang permiso na i-post kung hindi para malaman ang ginagawa niya noon sa Bali, Indonesia, huh!
   
No wonder, napamahal lalo si Nico kay Solenn na very understanding sa career niya.

* * *

HANDA na si Andrea Torres sa pagbuyangyang ng kanyang alindog sa telebisyon. Sa posts niya sa Instagram account, hanep naman talaga ang katawan ng Kapuso actress.
   
Marami nga ang napanganga sa kaseksihan ni Andrea, huh! Wala na kasing urungan ang paglitaw ng katawan niya suot ang two-piece swimsuit na sa Alyas Robin Hood mapapanood.
   
Siyempre, si Megan Young ang isang lead actress sa GMA series. Hindi puwedeng pakabog si Andrea kahit naging Miss World 2013 si Megan, huh!