6,315 guests

Spanish policeman nasalisihan sa hotel

  • Written by Itchie Cabayan
  • Published in Metro
  • Read: 224

Natangay ang mamahaling cellphone ng isang Spanish policeman matapos masalisihan ng hindi kilalang suspek nang maiwang hindi naka-lock ang kanyang kuwarto sa tinutuluyang hotel kamakalawa sa Malate, Maynila.

Nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang biktimang si Borja Carriera Rouco, 30, Spanish national at nanunuluyan sa Pink Manila Hostel na matatagpuan sa 2551 Bautista St. corner Don Perdo St,. Malate, Maynila, para ireklamo ang pagkawala ng kanyang Iphone 6.
   
Ayon sa biktima, naganap ang insidente kamakalawa sa pagitan ng 10:30 ng umaga at ala-una ng hapon.
   
Nabatid na naiwan umano ng biktima na hindi naka-lock ang kanyang kuwarto at posibleng sinamantala ng suspek ang pananalisi sa kahimbingan ng kanyang pagtulog.
   
Sinabi ng biktima na nagkakahalaga umano ng P950 euro ang tinangay na cellphone.