6,580 guests

Litrato nina Baste at Ellen sa Japan, nag-viral din

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 708

Dumalo si Marian Rivera sa premiere night ng The Unmarried Wife bilang suporta sa asawang si Dingdong Dantes na isa sa mga bida ng Star Cinema movie. 

Suot ni Marian ang damit na ginawa and designed ng Portuguese designer na si Joao Rolo.

Dumating ang damit ilang araw bago ang premiere night. 

Pinost ni Marian ang picture niyang suot ang damit kasunod ang pasasalamat na “Muchas Gracias” at sinagot ng designer ng “thank you soo much Princess” at “thank you so much my dear.”

Nagkita na rin finally sina Marian at Angelica Panganiban na matagal nang nag-usap na magkikita at dadalaw ang una sa shooting ng movie ng huli.
   
Sa premiere night lang natuloy ang kanilang pagkikita.
   
Star-studded ang premiere night dahil hindi lang ABS-CBN stars ang dumalo, pati GMA-7 stars at co-talents ni Dingdong kay Perry Lansigan.
   
Present sina Sunshine Dizon, Max Collins, Rochelle Pangilinan at Gabby Eigenmann. Dumating din si Glaiza de Castro, na friend ni Angelica, at dumalo rin sina Angel Locsin, Jolina Magdangal at marami pang iba.

* * *

Naglabas ng statement ang kampo ni Baste Duterte tungkol sa pagba-viral ng kissing photo nila ni Ellen Adarna.
   
Ang manager ni Baste na si Betchay Vidanes ang naglabas ng statement: “As the management team of Mr. Baste Duterte, we do not meddle in personal relationships of the celebrities we handle. They are entitled to be close to any person they chose to.
   
“As for Baste, he is not married and he doesn’t label his relationship.”
   
Nasa Japan ngayon sina Baste at Ellen kasama ang ilang kaibigan at pati ang picture nila sa loob ng eroplano, nag-viral din.
   
Nakita tuloy na magkatabi sila sa upuan at kahit maraming bakanteng upuan, mas ginusto nilang magtabi.
   
Inaabangan ang magiging pahayag nina Ellen at Baste sa nag-viral nilang kissing picture, pero dahil hindi nagpapa-interview si Baste, si Ellen na lang siguro ang matatanong ng press tungkol dito.

* * *

Pamaskong handog ni Solenn Heussaff ang Christmas drawing niya para sa Toblerone. Iyong kagaya ko na hindi afford bumili ng paintings ni Solenn, Toblerone na lang ang bilhin natin dahil gawa ni Solenn ang Toblerone sleeve for Christmas.
   
Limited edition ito at available lang sa holiday season, kaya bili na. Pinost nito ang samples ng kanyang drawing at kahit siguro hindi favorite ang Toblerone, bibili para magkaroon ng drawing ni Solenn.
   
Ang ilang paintings ni Solenn ay makikita sa Art Gap exhibit sa November 24 sa GMA Network Center ground floor lobby, 10:30 a.m.
   
For sale ang painting niyang STAND at ang proceed ay idu-donate sa GMA Kapuso Foundation.
   
Samantala, isa sa pinakamagandang mannequin challenge na napanood ay ang ginawa ng cast ng Encantadia.
   
Ang ganda ng ginawa nina Solenn, sa taping ang  setting at theme song ng fantaserye ang background music.
   
Curious ang encantadiks kung sino ang director dahil pulido at swabe ang dating.

* * *

Kasama na sa cast ng Alyas Robin Hood si Dina Bonnevie at nasa bad side siya, isa siya sa mga makakalaban ni Dingdong.
   
Pero matagal pa yata bago magkita ang landas nila ng aktor dahil marami pang nilulutas na kaso si Pepe (Dingdong).
   
Naka-ilang taping days pa lang si Dina na looking forward sa magiging eksena niya kina Jaclyn Jose at Cherie Gil.
   
Film producer ang role ni Dina at bilang si Daisy, pasabog daw ang outfit niya at isa sa nilu-look forward niya sa taping ay kung ano ang ipasusuot sa kanya ng wardrobe.
   
First time rin niyang makakatrabaho si Dingdong at dahil wala pa silang eksena, wala pa siyang masabi tungkol sa aktor.
   
Sabi pala ni Dina, inspired siya ngayon dahil sa apo na si Vin, ang baby boy nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa.
   
Sayang at hindi natanong si Dina sa bashers ng mag-asawa na nagagalit na nadagdagan ang anak ng dalawa.
   
Pasabog sigurado ang sagot nito sa bashers na pakialamera sa buhay ng iba.