5,977 guests

Vic, siniguradong malinis ang ‘Enteng Kabisote 10’

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 484
Vic Sotto Vic Sotto

Aminado si Vic Sotto na ayaw na talaga sana niyang sumali sa Metro Manila Film Festival this year dahil nga noong una pa man ay nabalitaan na niyang independent films ang tatanggaping entries sa festival.

“Nu’ng una kasi, after the Congressional hearing, they decided on this, na parang they’d rather go for the indie films. So, nu’ng una, sabi ko sa mga partner (co-producers) ko, hindi muna ako gagawa. Kasi, hindi ako sanay na gagawa ng indie films and mas gusto ko -- it’s a personal choice -- na gumawa ng pelikulang magugustuhan ng buong pamilya, lalo na ng mga bata,” pahayag ni Bossing.

Pero later ay nabalitaan nilang nagkaroon na naman daw ng changes sa selection of entries.

“Tapos, medyo nagkaroon ng pagbabago ng hangin. Ang pagkakaintindi namin is parang hahatiiin na lang. Kalahati mainstream, kalahati, indie.

“Doon pa lang, medyo parang hindi na tama, eh. Pareho kami ng pananaw ni Marlon (Rivera, direktor ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers), eh, hindi dapat ina-identify na indie, hindi dapat ina-identify na mainstream. Basta lahat ’yan, puro pelikula,” he said.

Ganunpaman, nag-decide na rin daw sila na gawin ang Enteng Kabisote 10 at sinigurado rin naman daw nila na malinis at maganda ang pagkakagawa tulad din ng mga dati nilang ginagawang pelikula.
   
“We make sure that it will be for the whole family, we make sure that photography will be nice, kaaya-aya sa mga mata ng mga manonood kasi halos 2 oras mo papapanoorin ’yan, kailangang maganda ang view na nakikita mo, tapos maganda ang acting, mapa-comedy man o hindi, kahit ano’ng ginagawa, kailangang malinis at pulido ang gawa.”
   
At tulad nga ng alam nating lahat, hindi napili ng Selection Committee ng MMFF ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers kaya ipalalabas na nila ito on Nov. 30.
   
May regrets ba siya na itinuloy pa rin nila ang movie?
   
“Hindi naman, I don’t regret anything that I do, and I know it can also be a blessing in disguise for us. We have a good playdate, Nov. 30, it’s a holiday, tapos, towards the weekend, it’s a good playdate. And ang gusto lang naman namin, eh maraming makapanood lalo na ’yung mga bata.”

* * *

Four years ago ay muntik nang mamatay ang action star/producer na si Derek Dee dahil sa sakit na Hepatitis-C kaya itinuturing na niyang second life ang buhay ngayon at bilang pasasalamat para sa panibagong buhay, nais niyang tumulong sa mga taong may ganito ring karamdaman dahil aniya, marami raw ang hindi nakakaalam kung paano ito sugpuin.
   
“It’s my advocacy,” bungad niya nang makatsikahan namin siya recently, “kasi four years ago I got a routine blood test and I got tested positive for Hepatitis-C. And if you are familiar with Hepa-C, it’s a slow killer. Parang, it eats up your liver overtime.
   
“During that time, four years ago, parang… there was no cure and there was only one treatment and parang fifty percent cure rate with deadly side effects pa, so I refused treatment.
   
“Pero last year, I discovered a drug, Harvoni at ang ganda ng ano eh, it’s one pill a day, you take it for three months, no side effects and the cure rate is 97%. So I said, ‘It’s like going to a casino, hindi ba?’ If you have a 97% chance of winning, that’s a very good rate. Ang malas mo naman if you’re part of the three percent.”
   
May kamahalan ang nasabing gamot pero sinubukan niya ito at parang himala ngang gumaling siya.
   
“When I was diagnosed, sinabi ko na sa anak kong si Michelle at sa wife ko na I’m dying. Until I stumbled nga on this pill na ni-research ko rin and mayroon ng gamot ang Hepa-C. Very expensive siya and when I took it for months, had myself checked again, nawala siya,” kwento ni Derek na nagbida sa napakaraming action films noong dekada 80.
   
Nang gumaling siya, gusto na lang sana raw niyang tumahimik tungkol sa naging karamdaman niya dahil siyempre, may stigma rin daw ito.
   
“I wanted to keep quiet, (live a) happy life, basta enjoy life. But I said, baka I got this for a reason. So I did research and options how to get this medicine,” sey niya.
   
At dito na nga niya sinimulan ang kanyang advocacy to help spread the word at ikalat ang impormasyon kung paano makakakuha ng gamot na Harvoni sa Pilipinas dahil wala pa ito sa market natin at hindi pwedeng mabili sa mga drugstore.
   
Sa mga nagtatanong kung paano makabili ng nasabing gamot, pwede raw niyang ibigay ang email address ng supplier or pwede ring bumili sa kanya for the same price. Pwedeng kontakin si Derek sa kanyang Facebook page.
   
“I’m just trying to connect people. I just want to pay it forward. I’m just happy to have a second life,” he said.