4,660 guests

Mister naburyong sa bunganga ni misis, kapitbahay tinarakan

  • Written by edd
  • Published in Metro
  • Read: 241

SA dati nang naging kaaway na kapitbahay ibinuhos ng 37-anyos na pintor ang galit sa umano’y bungangerang asawa matapos pagsasaksakin ng basag na bote ang biktima kahapon ng hatinggabi sa Malabon City.

Kaagad na tumakas ang suspek na si Gabriel Gustilo, residente ng Phase 5, Flovie Homes, Bgy. Tonsuya, matapos pagsasaksakin ng bote ang biktimang si John Adao, 29, na kaagad isinugod sa Tondo Medical Center u-pang malapatan ng lunas ang mga tinamong sugat sa katawan at braso.
    
Sa imbestigasyon nina SPO1 Rolando Hernandez at PO2 Benjamin Sy ng Malabon police, nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan sa tapat ng kanyang bahay sa Phase 5, Flovie Homes, Letre Road, nang lumabas ng bahay ang suspek na armado ng basag na bote dakong alas-12 ng hatinggabi.
    
Bigla umanong lumapit si Gustilo kay Adao at kaagad na inundayan ng sunud-sunod na saksak. Naawat naman ng kanyang mga kapitbahay si Gustilo na mabilis na ring nakatakas bago pa man dumating ang mga nagrespondeng mga pulis.
 
Napag-alaman na bago ang pana-naksak, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspek at kanyang asawa matapos na umano’y bunga-ngaan ng ginang ang lalaki sa muli nitong pag-uwi ng lasing.
    
Sa galit ng suspek, nagbasag ito ng bote at lumabas ng bahay kung saan nakita niya ang biktima na dati na niyang nakaalitan.