6,973 guests

‘Masama ang loob’ ng mga Magdalo?

  • Written by Paul M.Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 482

BAGO ang lahat, isa munang “pagtutuwid” mga kabayan, hinggil sa ating artikulo noong Biyernes (Nobyembre 11), na may kinalaman sa “kapatiran” ng ‘Iglesia Ni Cristo’ (‘INC goes global’).

Sa “pagmamadali” kasi natin ay naging ‘sloppy’ ang ating mga detalye kung kaya, paumanhin po sa mga kasapi ng INC na “nalito” sa ating artikulo.

Noong Oktubre 31 nagdiwang ng kanyang ika-61 kaarawan si INC Executive Minister, ‘Ka’ Eduardo Villanueva Manalo at hindi noong Nobyembre 13. Salamat sa pag-unawa, dear readers.

* * *   

Totoo kaya ang sinasabi ng ating mga miron na may “sama ng loob” ang mga kasapi ng grupong ‘Magdalo’ na “binitbit” ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa Aduana?
   
Dangan kasi, hindi na ngayon natatapos ang “pustahan” sa pantalan na “hanggang Pasko” na lang bilang commissioner si Comm. Nick at pagpasok ng 2017 ay “iba” na ulit ang mga “bosing” sa pantalan.
   
Na puwedeng paniwalaan ang “ugong” na ito ay matapos makarating sa ating kaalaman na “kasama” -- ’di umano --  ang BoC (read: si Faeldon) sa mga “unang buhos” ng appointees ni PDU30 na tahimik na ginawan ng ‘background check’ upang tiyakin na hindi nila niloloko si Pres. Rody sa ibinigay nitong tiwala at responsibilidad sa kanila (na oportunidad din upang agarang magpayaman).
    
At dito ngayon pumapasok ang umano’y “samaan ng loob blues” sa hanay ng mga dating rebeldeng sundalo na pawang naniwala na may “kinabukasan” silang naghihintay sa BoC kaya walang atubiling “sumama” kay Faeldon sa pantalan.
   
Eh, higit limang buwan na nga naman sila sa kani-kanilang mga posisyon, wala pa rin silang mga ‘permanent appointment’ paano na nga naman ’yan, hindi ba, kasamang Mitos Garcia?
   
Take note, mga kabayan: May kanya-kanya na silang “matatag” na mga trabaho bago sila nagdesisyong lumipat sa BoC at hindi nila kailangang mabahiran ng mantsa ng katiwalian -- na hindi maiiwasan sa nasabing ahensiya -- para lang buhayin nila nang marangal ang kani-kanilang mga pamilya.
   
Hmmn. Bigla ko tuloy “naalala” si ex-Westmincom chief, retired Lt. General Juancho Sabban, na hindi nagpabola, agh, hindi nakumbinsi, na umupo bilang Deputy Commissioner for Intelligence (DCI) noon ding Hulyo kasunod ni Comm. Nick.
   
Aniya kasi sa akin noon, “mas gusto” na lang niya ang “tahimik” na buhay at dahil “okay” naman ang kanyang kinikita bilang  mataas na opisyal sa isang malaking bangko, hindi niya kailangan pang “maghangad” ng iba pang posisyon.
    
Resulta? Natitiyak natin na “pangiti-ngiti” lang si Gen. Sabban dahil tahimik at simple lang ang kanyang buhay ngayon. ‘No worry,’ wika nga, hehehe!
 
In the case of the Magdalos, they took a big gamble when they relied on the “sweet words of assurance,” so to speak, of Comm. Nick and left their well-paying jobs in the private sector to join him in his purported “crusade” at the BoC (whatever this crusade really is).
   
Pero ang “masakit,” hanggang ngayon, limang buwan pagkatapos silang maniwala kay Comm. Nick, siya pa lang sa kanilang hanay ang may pirmadong ‘appointment’ habang sila ay patuloy na “nganga,” aguy, aguy, aguy!
 
At sakali ngang magkatotoo ang “balita” na “hanggang Pasko” na lang ang kanilang inaasahang “padrino,” aba’y sabay-sabay nga naman silang lalayas, agh, aalis sa Aduana nina Comm. Nick dahil lahat sila ay mga ‘co-terminous’ lang sa kanya, huhuhu!
   
Kung sakali, “aalis” sila sa BoC na ang dadalhing “pabaon” ay mga problema at ang “pinakamasakit,” walang laman ang mga bulsa.
   
Sa ganitong “senaryo,” sino nga naman ang hindi sasama ang loob, aber?