5,139 guests

Yolanda survivors makaraan ang 3 taon

  • Written by Magi Gunigundo
  • Published in Opinion
  • Read: 166

Pointguard

TATLONG taon na pala ang nakakaraan mula nang maganap ang mapaminsalang bagyo na kumitil ng libu-libo nating kababayan at sumira ng kabuhayan ng marami nating kababayan mula sa Visayas region.

Batid nating lahat at maging ng buong mundo kung gaano kalawak ang pinsala sa buhay at kabuhayan ng super typhoon Yolanda.

Kung ating matatandaan noong manalasa ang bagyong Yolanda ay laman ng social networking sites ang larawan ng bagyo na kuha mula sa mga satellite na naka-impose sa digital na larawan ng mapa ng ating bansa. Napakalaki. Iisiping sa isang pelikula lamang mapapanood ang ganitong pagtataya sa laki ng isang trahedya.

Laman ng social networking sites hindi lamang ang mga lokal na balita kung hindi mga balita na rin buhat sa Estados Unidos tulad ng USA Today at Washington Post na nagsasabi kung gaano kalakas ang bagyo at kung saan nakalagay ang bagyong Yolanda sa kasaysayan ng malalakas at mapaminsalang bagyo sa daigdig.

Bagama’t  naging dagok sa mga apektadong residente ang bagyo ay may ilang kabutihan itong idinulot sa bawat isa sa atin.
   
Una, ang mga kalamidad na ito ay nagsisilbing rallying point upang magkaisa at magtulu­ngan tayo.
   
Pangalawa, sa kabila ng mga unos na ito, makikita natin ang pag-asa tulad sa inspirational cycle na liwanag pagkatapos ng dilim. Muling mabubuhay ang resiliency natin, muling babangon at mapagta­tagumpayan ang mga pag­hamon.
   
Kapuri-puri ang naging paghahanda dati ng lahat ng sektor, publiko man o pribado.
   
Ilang araw bago pa dumating ang bagyong Yolanda, nakahanda na ang mga kabilang relief and rescue effort. Isang araw bago ang pagdating ng bagyo, organisadong nakalikas ang milyon nating kababayan patungo sa mga evacuation center upang mailigtas ang kanilang buhay. Nakalulungkot lang isipin na nang iwanan nila ang kanilang bahay, bitbit nila ang pag-asang may babalikan pa silang tirahan paglipas ng bagyo.
   
Pero makalipas ang tatlong taon, nakakalungkot na hindi pa tuluyang nakakabangon ang mga kababayan nating naapektuhan ng super typhoon. Marami pa rin sa kanila ang walang disenteng nasisilungan, gayong bilyong piso ang inilaan para tulungan ang mga apektado ng nagdaang bagyo.

Turuan ang nangyayari sa patuloy na salat na inaabot ng  Yolanda survivors.
   
Ang sa akin, nariyan na ’yan kaya wala nang dapat pang sisihang mangyari.
   
Ang dapat ay bigyan na lamang ng karampatang ayuda ang mga biktima ng super typhoon Yolanda upang tuluyan na silang ma­kabangon.