4,506 guests

Aljur, Mark at Luis, negatibo sa droga

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 469

Derek, naglalaway sa katawan ni Lovi

Pare-parehong pinost nina Luis Manzano, Aljur Abrenica at Mark Herras ang resulta ng kani-kanyang drug test na pare-pareho ring negative.

Negative si Luis sa Amphetamine, Methamphetamine, Cocaine/Metabolites, Opiates, Phencyclidine at THC Metabolite.
   
Sabi ng TV host, “Some people weren’t happy with the urine test saying the most accurate is through hair drug panel test. Done.”
   
Negative rin si Mark sa Cocaine, Methamphetamine, Tetrahydrocannabinol at Morphine. Walang comment si Mark, nag-hashtag lang ng #negative.
   
Very happy din si Aljur na negative siya sa Cocaine, Ecstacy, Methamphetamine, Opium at Tetrahydrocannabinol.
   
Sabi ni Aljur, “This is to signify my support for a Drug-Free Philippines. I’m proud to be high on life not on drugs.”
   
Anyway, masaya tiyak si Mark dahil extended up to 2017 ang Sa Piling ni Nanay nila nina Yasmien Kurdi at Katrina Halili.
   
Makakaipon pa siya para sa wedding nila ni Winwyn Marquez.
   
Si Aljur naman, mapapanood kasama si Janine Gutierrez sa Usapang Real Love episode na Relationship Goals sa third week ng November.

* * *

“HOT” ang description ni Derek Ramsay kay Lovi Poe, leading lady niya sa Regal Films movie na The Escort, showing sa November 2 sa direction ni Enzo Williams.
     
“Hot siya dahil grabe ang katawan. Ang ganda-ganda ng katawan niya, parang hindi siya tao. Kahit ’di malaki ang dibdib niya, everything is in proportion. She has nice legs, nice everything. Mas marami pa siyang abs kesa sa akin,” ani Derek.
     
Siguradong ikatutuwa ni Lovi ang description ng co-star at dinagdagan pa na good kisser siya at binigyan nga ng 12 rating.
     
Effortless daw humalik ang aktres at synchronized ang movement ng lips nilang dalawa.
     
To think na walang rehearsal ang kissing scene nina Derek at Lovi sa request na rin ng aktor para mas natural ang labas na nangyari naman.
     
Pinapanood ni Director Enzo Williams kay Derek ang mga pelikulang Indecent Proposal at American Gigolo para lang may background siya sa karakter niya sa movie. But the rest, sariling atake na ni Derek.
     
Hinihintay pa nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang ibibigay na grade ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa movie, pero ang MTRCB, binigyan na ito ng  classification na R-13 without cuts.
   
Samantala, bukas lilipad si Derek sa Bali, Indonesia, para dumalo sa kasal ng isang kaibigan.
   
Kasama niya ang whole family niya, his GF and his friends. Isasabay na nila ang bakasyon kaya sa Nov. 5 na ang balik nila.
   
Next year, three movies ang naka-line-up kay Derek, isa ang Sin Island ng Star Cinema with Maja Salvador, may isa pa sa Regal Films at gagawin niya kay Direk Enzo ang biopic ng car racer na si Enzo Williams.
   
Regal Films daw ang magri-release ng movie.
   
Wala pa ring show sa TV5 si Derek na ang kontrata ay hanggang 2018 pa.
   
Gusto raw niyang ibalik ang Kidlat hanggang kaya pa niyang magsuot ng costume.
   
Homegrown ang character, nagustuhan ng mga bata at nag-rate ang show.

* * *

Tampok ang loveteam nina Derrick Monasterio at Bea Binene sa newest comedy adventure ng GMA-7 na Tsuperhero.
   
Jeepney driver ang role ni Derrick na nagta-transform into a superhero at barker ng mga bumibiyaheng jeep si Bea.
   
Magugustuhan ng viewers ang Tsuperhero na concept ni Michael V para kay Derrick.
   
Ang writers ng Bubble Gang ang writers nito sa direction ni LA Madridejos, director ng Juan Happy Love Story.
   
Sina Ryan Reynolds sa Dead Pool at Will Smith sa Hancock ang peg ni Derrick sa role niyang si Nonoy.  May costume si Derrick na 20 to 30 minutes niyang isinusuot at gawa sa latex. 
   
Love na ng press si Bea dahil hindi niya sinakyan ang promo ek-ek ni Derrick na mas lumaki ang posibilidad na maging sila at kinikilig siya sa mga text sa kanya ni Bea.
   
Sabi ng aktres, kaya lang siya nag-text ng “ingat” dahil pareho silang pauwi after ng taping at nag-good luck siya rito para sa Oh, Boy concert nito.
   
“Oo, nanligaw siya sa akin dati, pero hindi ko siya sinagot dahil nalaman kong dalawa kaming sabay niyang nililigawan,” pambubuking ni Bea kay Derrick.
   
Sa November na ang airing ng Tsuperhero, pero hindi pa sinasasabi ang exact date. Ang kumpirmado pa lang, ito ang papalit sa Ismol Family.