6,554 guests

Demonyo lang ang masaya sa Davao bombing

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 335

KUTIS demonyo lang ang natutuwa sa nangyaring pagsabog sa Davao City.

Sila iyong mga anghel ang turing sa kanilang mga sarili pero may mabalahibong buntot at may pilipit na sungay. Hindi ko nga alam saan sila kumukuha ng kapal ng mukha para ipahayag ang kanilang katuwaan sa Davao bombing.

Nagulantang ako sa komento ng iba sa social media na kinukuwestiyon ngayon na “akala ko ba safe sa Davao?” Ang mga ganitong tao, kahit hindi ko sila nakikikita at nakikilala nang personal ay pihadong galing sa team talunan sa nakaraang eleksiyon.
   
Hindi pa rin sila maka-move on sa paglampaso sa kanilang kandidato ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa botong 16.6 milyon na dinaya pa nila ang tatlong milyon ay hirap pa rin silang kumbinsihin ang kanilang mga sarili na knockout ang kanilang mga manok.
   
Habang ratsada ang kampanya laban sa mga krimimal at sindikado laban sa illegal drugs, kasama ang mga taong ito sa nakikinabang sa ligtas nating pamayanan simula nang maupo si Digong.
   
Tahimik silang nakikinabang kahit paminsan-minsan ay pumipitik sa social media ng human rights violations sa mga napatay na drug addict at drug pushers.
   
Pero hindi ako makapaniwala na pati ang bombing na ikinamatay na ng 14 nating kababayan at ikinasugat ng mahigit 70 ay magamit pa nilang pagkakataon para kuwestiyunin ang liderato ni Presidente Duterte.
   
Sa mga ipinakitang reaksiyon ng mga miyembro ng team lampaso, mas lalong nakumbinsi ang marami sa atin na tama lamang na hindi kayo ang nakaupo sa Palasyo dahil sa klase ng mga ugali n’yong halimaw.
   
Baka kung mga manok n’yo ang nanalo, hindi malayong ang mga semento ng ating kalsada ay hahaluan na rin ng shabu dahil sa over supply sa merkado.
   
Nakakasuka ang mga taong nagpapahayag ng katuwaan sa sinapit ng kanilang mga kababayan sa night market sa Davao.
   
Kailan pa nagkatawang-tao si Satanas? Hindi n’yo man lamang kami naimpormahan para sana naipaghanda naman namin kayo ng kumukulong mantika na bagay ipangligo sa inyo.
   
Kahit ano pa ang sabihin n’yo, safest place on earth pa rin ang Davao City dahil ang bombing ay sitwasyong ginawa ng mga taong baluktot ang prinsipyo sa buhay at hindi ito likas na senaryo sa lungsod.
   
Sana lang walang kinalaman ang mga gago at happy minions sa pambubomba dahil kapag nagkataon, tumbong n’yo lang ang walang latay sa pamahalaan!

* * *   

Nanawagan tayo sa security forces ng mga mall at iba pang private establishments na sabayan ang paghihigpit na ginagawa ng gobyerno sa mga vital installation ng bansa.
   
Hindi sapat ang stick ng barbecue na hawak ng kanilang mga security guard para busisiin ang mga bag ng mga pumapasok sa kanilang mga gusali.
   
Maging ang mga security guard sa LRT at MRT ay kailangan na ring matutong magbantay at hindi lang tunganga brigade dahil mahirap nang masingitan ulit ng mga terorista.
   
Lahat tayo ay kaila­ngang tumugon sa panawagan ng Pangulong Digong na maging mapaghanda at mapagbantay sa ating paligid dahil humaharap tayo sa hindi ordinaryong sitwasyon.
   
Sabi nga, magtatagumpay lamang ang kaguluhan kapag ang mga taong payapa ay walang ginawa.
   
Keep safe, mga kababayan.

* * *   

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..