6,309 guests

Ang ‘kaso’ ni Atorni, bow!

  • Written by Paul M.Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 190

BAGO ang lahat, pagbati muna ng maligayang kaarawan kay Nebla Florendo ng Bgy. San Antonio, Sto. Tomas, Batangas ngayong araw at siyempre, sa lahat ng ‘Birthday Boys & Girls’ ngayong buwan ng Agosto. At harinawang manatili kang mabait at masunuring anak, Nebla, hane?

* * *   

Talagang totoo pala ang kasabihan na, “Don’t judge a book by its cover.”
   
“Puwede” sigurong ganito ang maging paglalarawan kay ex-IBP (Integrated Bar of the Philippines) spokesperson, Atty. Trixie Cruz-Angeles, na kamakailan lang ay “sinuspindi” ng Korte Suprema ng tatlong taon dahil sa paglabag sa ‘Code of Ethics’ ng mga abugado.
   
Naisulat ko na rin kailan lang ang detalye  kung bakit nabuwisit, agh, “napikon” ang SC dito kay atorni at sa mga gustong malaman ulit kung anyare? eh, ganito ’yun, dear readers, kaya... Basa!!
   
Tumanggap ng kasong annulment at binayaran ng P350,000 bilang acceptance fee itong si Angeles at law partner nitong si Wylie Paler pero walang isinampang kaso sa korte.
   
Nang magtanong ang kliyente kung ano na ang nangyari, aba’y “sinisi” pa ang kliyente na hindi raw kumpleto ang binigay na dokumento. Nang nais bawiin ng kliyente ang binigay na pera, ayaw nang isoli nina Angeles.
     
May gana pang dagdagan ng P45,000 ang si­ngilin para daw panglakad sa piskalya, tsk, talaga rin naman.
   
Teka, hindi ba’t malinaw na pang-eestapa at panloloko ito?
   
Dakong 2003 pa umano “nakatengga” ang reklamo sa kanya at sa tagal na “kinain ng alikabok,” sa tanggapan ng mga mahistrado ng Korte Suprema, aba’y hindi malayong halos nawalan na ng pag-asa ang ‘complainant.’
   
Samantala, masasabing patuloy na “pumaimbulog” ang kanyang ‘legal career’ katulad ng pagiging ‘defense lawyer’ ng mga rebeldeng sundalo ng grupong “Magdalo” at ang pinakahuli, ang grupo ng mga itinawalag na kasapi ng Iglesia Ni Cristo (INC).
   
Sa sirkulo ng mga abugado, maraming “ali­ngasngas” hinggil sa hindi kagandahang “estilo” nitong si Atty. Trixie, mga kabayan.
   
Kaya ang tanong ng mga miron, posible kaya na “nagkamal” din ng pera itong si Atty. Trixie sa paghawak niya sa mga kaso nina Lottie Manalo-Hernandez, Angel Manalo, Lowell Menorca II at Isaias Samson, Jr., ang mga sinipang miyembro ng INC?
   
Si Samson diumano ang nagpakilala kay Angeles sa grupo ng mga tiwalag.
     
Magkano man ang “nakaltas” sa kanila, aba’y masasabing “nagtapon lang sila ng pera”  dahil pulos “bokya” naman pala ang record nitong si Angeles.
   
Binasura lahat ang reklamong kriminal na isinampa nila sa DOJ at sa piskalya. Ididismiss na ang kasong habeas corpus ni Menorca sa Court of Appeals habang iniutos na rin na patalsikin sa INC compound sina Hernandez ng korte sa Quezon City.
   
Hindi biru-birong masuspinde ng Korte Suprema ang isang abogado, lalo na sa loob ng tatlong taon. Malaking kasalanan at kahihiyan ang nagawa nitong si Atty. Angeles sa propesyon n’ya at sa publiko.
   
At siyempre, “nakakahiya” rin dito ang IBP na ang “hatol” sa kanilang “sikat” na miyembro ay apat na buwan lang na suspensiyon. Mabuti na lang hindi lumusot sa SC, hehehe!

“Pagbabago’  sa BoC, OWS, talaga?!
   
Hindi na dapat magtaka ang mga miron sa pantalan at kahit si DOF Sec. Sonny Dominguez at Pang. Rody Duterte, kung patuloy na bumulusok ang koleksyon sa buwis ng BoC at higit na maging mabantot ang reputasyon nito bilang ‘most corrupt agency’ ng ating gobyerno bagaman nga handang “pumatay” (daw) ng mga ‘corrupt’ si Customs Commissioner, Nick Faeldon.
   
Ngayon pa lang kasi na ikalawang buwan pa lang niya bilang “Boss Tsip,” wala naman nakitang positibong pagbabago ang mga empleyado. Kumbaga, ang lahat ay isa lang malaking “palabas.”
   
Sa wikang Ingles? “Everything is just for show.”
   
Sabagay nga. Kung ang kanyang mga piniling “pagtiwalaan” ay mga reputasyon bilang mga ‘corrupt’ at ’yung mga kilala nang mga “tulisan” ay patuloy niyang “kinukupkop,” sino ang maniniwala na “seryoso” sa paglaban sa korapsyon at katiwalian, aber?
   
Katulad na lang nitong isang pekeng sundalo na si alias ‘Mike Bandido’ (“bandido” ang tawag sa kanya ng mga kilala ang kanyang pagkatao), tanga lang ang maniniwala na “hindi” alam ni Comm. Nick na kaya ito tinanggal noon sa tanggapan ng isang senador ay dahil sa isyu ng korapsyon at katiwalian.
   
Itong si Mike Bandido umano ang “bully” ngayon d’yan sa IG na pulos pagmumura pa umano ang ginagawa sa mga empleyado.
   
Na “kinukunsinti” ni Comm. Nick itong grupo ni Mike Bandido at hindi puwedeng itanggi, Sec. Dominguez, ay dahil kapag tinanong umano si Comm. Nick kung saan kumukuha ng “angas,” nye, “powers” ang nasabing hao shiao na sundalo, aba’y siya pa ang “galit,” nye!
   
And’yan si alias “Ogags” sa IG na bukod sa notoryus ang pagkatao ay kilalang “balimbing.” Eh, bakit kasama sa mga “naboldyak” ni Comm. Nick, “na­mamayagpag” pa rin?
   
At sino ba ngayon sa OCOM ang ‘handler’ nitong sina alias ‘Abu Sarap,’ ang notoryus ‘BoC scanner’ na pina-ban pa nga ni ex-DCI Jessie Dellosa dahil talaga namang “kahihiyan” sa ahensiya?
   
“Pagbabago,” sabi ni Pres. Rody. “Pagbabago” sabi rin ni Comm. Nick.
   
Sagot naman ng mga beterano sa pantalan: Ows? Talaga?!

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.