5,062 guests

‘Kilabot feel’ damang-dama sa Iza-Ian movie!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 399

PINATUNAYAN ni Direk Dan Villegas sa pelikulang Ilawod na hindi lang siya mahusay sa romantic-comedy films kung saan siya nakilala at sumikat, kungdi maging sa horror film.

Nagkaroon ng celebrity screening ang nasabing pelikula last Saturday night sa Cinema 7 ng Megamall and after the film, palakpakan ang audience sa ganda ng pelikula at sa mahusay na pagkakadirihe ni Direk Dan.

Maging sa comfort room pagkatapos ng movie ay pinag-uusapan ng mga nanood ang pelikula’t nagtatakutan sila na baka sumunod din sa bahay nila ang Ilawod.
   
Iba ang atake ni Direk Dan sa horror film. Kung sa mga rom-com movies niya ay maraming hugot lines ang mga characters, dito sa Ilawod ay tahimik at kalma lang ang mga karakter pero gugulatin ka na lang ng mga sound effects ng mga eksena.
   
Ang taas din ng suspense factor ng movie at kaya niyang bigyan ka ng “kilabot feel” sa mga eksena.
   
What makes the movie so compelling bukod sa execution ni Direk Dan ay ang story at ang flawless acting ng buong cast lalung-lalo na nga ni Iza Calzado na kilala naman talaga bilang isang mahusay na aktres.
   
Ang husay din ni Therese Malvar bilang Ilawod na si Isla. Panalo ang mga eksena nila ni Harvey Bautista kung saan ay tinutukso-tukso niya ang bagets.
   
Dalaginding na si The-rese at ang laki ng iginanda niya. Bagay sa kanya ang role at sa murang edad niya, kinakikitaan na namin siya ng senswalidad na hindi natin makikita sa mga young female stars na kaedad niya.
   
Rebelasyon si Harvey para sa amin since this is his first film. Para sa isang baguhan, mahusay na ang acting na ipinakita niya.
   
Mahusay din si Papa Ian, Epy Quizon at ang child actress na si Xyriel Manabat na dalagita na rin, huh!
   
Samantala, bukod sa buong cast, dinaluhan ang celebrity screening ng ilan sa mga sikat nating artista bilang suporta sa first horror film ni Direk Dan. Namataan namin si Gerald Anderson, Karylle at Miles Ocampo,
   
Showing na sa Jan. 18 ang Ilawod and we highly recommend this film kung mahilig kayo sa katatakutan.

* * *

KAHIT  beterano na pagdating sa pakikipagrelasyon, may natutunan pa rin si Jake Cuenca kay Angeline Quinto pagdating sa pag-ibig nang magkatrabaho sila sa pelikulang Foolish Love.
   
“Mas naging grounded ako nang makatrabaho ko si Angeline,” pahayag ni Jake sa presscon ng Foolish Love. “Kasi siguro (dahil) nag-aral ako sa States, ‘yung last girlfriend ko, hindi taga-rito.
   
“So for a while, parang naging medyo foreign ’yung naging pag-iisip ko na wala namang mali du’n, pero working with Angeline in the set, parang it reminded me of my roots, kung saan ako nagsimula -- dito. Kung ano talaga ako -- Pinoy.
   
“So, parang ’yan ’yung isang magandang bagay na nakuha ko sa buong experience nung pakikipagtrabaho ko kay Angeline.
   
“Music pa lang, pinapatugtog niya, OPM lahat. Hindi ako nakikinig sa OPM pero nung nakatrabaho ko siya…
   
“So parang ’yung buong experience,  in a way, na-remind ako to keep myself grounded and always remember kung saan ako nanggaling which is here,” pahayag ni Jake.
   
So, if ever na magkaroon siya ulit ng bagong girlfriend, Pinay na ulit?
   
“Ay ako naman, walang specific type, kung magustuhan ko, magustuhan ko,” he said.

Natuwa naman si Angeline sa naging pahayag ni Jake sa natutunan sa kanya at komento niya, “ang galing nu’n, ang galing.”
   
Natawa kami sa biro ni Angge na siya naman ay kabaligtaran dahil naging English speaking naman daw siya dahil kay Jake.