6,373 guests

‘Double agent’ sina VP Leni at Licuanan

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 313

Halabira

MABIGAT ang alegas­yon ng ating Ma­la­cañang source kung bakit biglang nagkaroon ng political development nitong nakaraang linggo, partikular sa posisyon ni VP Leni.

Bago pala nangyari ang sibakan blues, inobserbahan ni Pangulong Digong ang galaw nina VP Leni at CHED Chairperson Patricia Licuanan sa tuwing matatapos ang cabinet meeting.

Bukod sa walang mapulot na produktibong idea mula kina VP Leni at Licuanan sa tuwing may meeting sa Palasyo, naiilang na rin sa kanila ang mga miyembro ng gabinete. Ang totoo, sabi ng ating source, mas okey pa ang pagtanggap ni President Rody sa da­lawa kaysa mga cabinet members.

Pero ang problema, naramdaman sa Palasyo na hindi sincere sina VP at Licuanan bagkus ay naghahanap lang ng mga isyung maibubutas sa administrasyon.

Pakiramdam ng source natin, double agent ang lakad nina VP at Licuanan dahil sa tingin nila, after ng cabinet meeting ay nagre-report ang mga ito sa “dilaw headquarters.”
   
Pakiramdam ng ilang cabinet members, kaya nag-leak ang ibang sensitive issues na hindi pa final at hindi pang public consumption ay dahil lang may mga makakati ang dila ang nagtsitsismis sa kampon ng mga dilaw.
   
At sina VP Leni and Licuanan lang ang mga suspect nila.
   
Hindi naman tayo magtataka rito dahil walang duda na dugong dilaw ang mga ito kaya ang loyalty nila ay sa kanilang kulto at hindi sa mga Pilipino o kay Pangu­long Rody.

* * *
   
Kung sino man ang nakaisip na kuwestiyunin ang kapangyarihan ng PAGCOR na kontrolin at i-regulate ang Offshore gaming ay kaila­ngang kumain pa ng maraming peanut butter and more proteins.
   
Ang offshore gaming ay isinasagawa sa pama­magitan ng internet na ang land base ay Pilipinas at ang target market ay mga nasa abroad na kailangan ay banyaga at hindi mga Pinoy.
   
Bilang amusement and gaming regulator, nasa mandato ng PAGCOR na pamahalaan ang anumang legal na sugal na nagaganap dito sa ating bayan.
   
Kung ang argumento ng mga petitioner ay foreign land at foreign gamblers ang merkado kaya hindi dapat pangasiwaan ng PAGCOR, siguro da­pat silang magbalik sa pag-aaral sa basic law.
   
Huwag nating kali­limutan na ang air space, lupa, bundok at katubigan na nasa loob ng bansa ay pag-aari ng estado. Ibig sabihin, kung nagnenegosyo ka rito at kahit pa foreign market ang target mo, kailangan mo pa ring magpasakop sa regulasyon ng bansa.
   
For the sake of argument, bilhin natin ang argumento na foreign market naman ang target ng offshore gambling business na Philippine base kaya hindi dapat kontrolin ng regulasyon ng PAGCOR, dapat siguro huwag na rin pakialaman ng Labor department, DTI at NTC at ng local government ang mga call center.
   
Karamihan ng mga call center na nagsulputan dito sa atin ay foreign market din ang target, so huwag na natin silang singilin ng tax?
   
Kumusta naman ang mga exporter natin na dito ang production sa bansa pero sa abroad ibi­nebenta ang produkto, huwag na rin nating pakialaman?
   
Guguho ang buong ekonomiya ng bansa kung papatulan natin ang ganitong klase ng petis­yon.
   
Susmaryosep, puwede kayang pag-isipan munang mabuti bago mag­petis­yon sa korte?

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.