6,384 guests

Dump truck inararo 17 sasakyan, 9 sugatan

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 199

SIYAM katao ang su-gatan matapos araruhin ng isang dump truck ang 17 sasak-yan sa Avenida St., Poblacion 2, Nagcarlan, Laguna, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-9 ng umaga ay binabagtas ng isang 10-wheeler truck na kargado ng buhangin ang Avenida Street nang mawalan umano ito ng preno at nabundol ang sinusundang sasakyan gayundin sa magkabilang panig ng kalsada.
   
Patungo sa bayan ng Sta. Cruz ang trak nang maganap ang aksidente, ayon sa pulisya.
   
Dahil sa mabilis na takbo ay hindi na naiwasan ang iba pang mga kasalubong na sasakyan maging ang ilang tricycle na dumadaan sa natu-rang kalsada.
   
Matapos mabundol ang iba pang mga sa-sakyan ay tuluyan nang tumagilid at natumba ang trak at tumapon ang karga nitong buhangin malapit sa isang bahay.
   
Dinala naman sa isang ospital ang mga nasaktan na motorista.
   
Nagdulot ng mahabang trapik sa nasabing lugar. Nagdulot din ng pagkasira ang mga sasakyan dahil sa karambola at ang iba namang nakaparada sa gilid ng kalsada ay nadamay din sa karambola.
   
Samantala, nagsasagawa na ng imbestigas-yon ang Nagcarlan traffic police dahil sa multiple damage to property maging ang pagpapagamot sa mga nasaktan sa kolisyon.