6,902 guests

Bangkay natagpuan sa Burnham Park

  • Written by Cesar Reyes
  • Published in Provincial
  • Read: 232

BAGUIO City -- Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan alas-5:30 kamakalawa ng umaga sa Melvin Jones Grandstand, Burnham Park, dito, ng mga nagda-jogging at agad ini-report sa Baguio tourist police personnel.

Ang hindi pa nakilalang bangkay ay nasa 5”5” ang taas, may katamtamang laki ng katawan, nasa 35-anyos, nakasuot na kulay gray na pantalon, puting T-shirt at berdeng jacket.
   
Nagsagawa ng pagsisiyasat ang mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa biktima at walang nakitaang sugat sa parte ng katawan. Ito ay nakitaan ng isang kulay puting substance sa kanyang bibig na may mabahong amoy.
   
Ang bangkay ay dinala sa Bahay Damayan Funeral Homes para sa otopsiya.