4,598 guests

Gerald, ’di minahal si Ai-Ai dahil sa sex

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 625

Pinost ni Ai-Ai de las Alas sa Instagram (IG) ang dagdag na reaction niya sa lumabas na article sa isyung kailangan niyang maging celibate hanggang hindi pa sila nakakasal ng boyfriend niyang si Gerald Sibayan. 

Ito ay dahil sa iginawad sa kanya ng Vatican na Solemn Investiture Papal Award Pro Ecclesia et Pontifice.

“I just want to share this article dahil may maganda namang aral na mapupulot dito... when FATHER ERICK SANTOS, my bestfriend priest and also my spiritual adviser told me... NE bawal ka na mag... (toot) ..., sabi ko sa kanya, father bago nyo pa po sabihin nag desisyun na ako ng celibacy... and sinabi ko na din kay Gerald tungkol dito at kung ano man yung hindi ko maibigay sa pangangailangan nya at nakakita sya ng iba, HINDI ako  magagalit... maiintindihan ko sya...
   
“And I am willing to give HIM UP para kay LORD... si LORD NA ANG BAHALA SUMAMA SA AKIN SA JOURNEY NG BUHAY KO... at ang sagot nga ni darling ‘HINDI NAMAN ’YUN ANG MINAHAL KO SA ’YO,’ iintayin k na lang na makasal tayo... awww sweet ahhh... PAK! and ’yan ang madalas kong pangaral sa aking only baby girl... sabi ko sa kanya, THE BEST GIFT YOU CAN GIVE TO YOUR HUSBAND IS YOUR VIRGINITY... pero panahon pa ni kopongkopong at kurkwera ’yung ganu’n... wala na, bihira na ngayon yun sa new millennium na pamumuhay...
   
“But still, kaya gusto ko i-share, malay naten, dba, sabihin ng mga nakabasa, oo nga, try ko nga ’yun para bongga!!!
   
“So mga baby girls, this is it... para malaman n’yo din na totoong mahal kayo ng inyong mga JOWA PARTNER BEBE KEMERUT... good luck and thank you darling for your unmitigated LOVE FOR ME... GOD BLESS YOU MORE @gerald_sibayan.”
   
Dahil sa Papal Award na tatanggapin ni Ai-Ai sa November 11, mismong birthday niya, mapapadali ang kasal nila ni Gerald.
   
Dapat ay after four years pa sila pakakasal, pero dahil sa Papal Award, within two years na sila magpapakasal, napadali ang plano.
   
Ibinalita pala ni Ai-Ai na closing film ng QCinema sa October 15 ang Area sa direction ni Louie Ignacio.  Ang commercial run nito ay sa Nov. 9.
   
Entry naman sa Metro Manila Film Festival ng Regal Films ang Mighty Yaya kung saan bida sina Ai-Ai, Megan Young at Zoren Legaspi.

* * *

Opening day ngayon sa mga sinehan ng Viva Films movie na Bakit Lahat ng Gwapo, may Boyfriend?! at isa sa mga dapat abangan ng tao, lalo na ng fans ni Dennis Trillo, ay ang eksenang naka-swimming trunks ang aktor.
   
First time pala mag-swimming trunks ni Dennis sa movie, kaya ang mga bading, tuwang-tuwa.
   
Marami na ang nag-view ng video nito na pinost ng manager niyang si Popoy Caritativo sa Instagram (IG)   at positive ang comments.
   
Nakakatuwa at nakakatawang basahin ang mga comment na kahit si Dennis, matatawa ’pag nabasa.
   
Aliw ’yung nag-comment na “he just died” watching the video.
   
Showing nationwide ang Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend?!, kung saan bida rin sina Anne Curtis at Paolo Ballesteros sa direction ni Jun Lana.

* * *

Ang bilis dumami ng number of views ng music video ng No Ordinary Love, theme song ng Regal Films movie na The Escort at kinanta ni Lovi Poe.
   
Ang ganda ng version ni Lovi ng original song ni Sade at feel ang emotion ng aktres habang nire-record ang song. Dahil siguro sa nami-miss na nitong kumanta.
   
Very sexy, hot and daring Lovi ang mapapanood sa The Escort ’pag ipinalabas starting November 2.
   
Sabi nga ni Derek Ramsay, ang movie nila ang magpapabalik sa sexy-drama genre dahil sa mga kissing at love scene nila, love scene nina Lovi at Christopher at love scene nina Derek at Jean Garcia.
   
Anyway, kung sexy si Lovi sa The Escort, nagpapaiyak naman siya sa GMA-7’s teleserye na Someone to Watch Over Me at kinaaawaan ang pagka-martir niya kay Tom Rodriguez at pagtu-tolerate kay Max Collins.

* * *

Balik na si Iya Villania sa paghu-host ng Chika Minute segment ng 24 Oras at sabi, kung ’di si Drew Arellano, ang mga lola ng anak nilang si Primo Antonio ang nagbabantay sa baby habang nasa studio si Iya at nagtatrabaho.
   
Pag-amin niya, obsessed silang mag-asawa sa baby boy nila.
   
Samantala, walang takot na nagbibisikleta si Iya para makaiwas sa trapik, makauwi nang maaga at magpadede kay Primo.
   
May mga unsolicited advice lang kay Iya na hindi pa  safe sa kanya ang mag-bike dahil baka mabinat siya.        
   
Pero gaya ng dati, hindi sila pakikinggan ni Iya.
   
Mas kilala niya ang sarili at mas naniniwala sa kanyang doctor.