6,324 guests

Pag-angat ng buhay, ramdam ng mga Ilokano -- NSCB

  • Written by Jay De Castro
  • Published in Opinion
  • Read: 535

NOON pa mang si Bongbong Marcos ang  gobernador ng Ilocos Norte ay maayos na ang buhay ng mga residente ng nasabing lalawigan.

Pinaghusay at pinaunlad pa ito ni Imee Marcos nang siya na ang naupong gobernadora ng lungsod simula 2010.

Kaya naman kinilala ng iba’t ibang organisasyon mula sa iba’t ibang panig ng bansa, kabilang ang Metro Manila, ang mga pag-unlad sa Ilocos Norte sa larangan ng ekonomiya, edukasyon, agrikultura, kapayapaan at seguridad, panlipunang kagalingan at pag-unlad, at imprastraktura sa panahong si Imee ang nakaupong gobernadora ng lalawigan.
   
Isa sa mga kumilala sa mga nagawa ni Governor Imee Marcos ay ang National Statistical Coordination Board (NSCB) na nagdeklarang umunlad ang kabuhayan sa lalawigan kaya nabawasan ang mahihirap sa Ilocos Norte simula noong 2013.
   
Ibig sabihin, direktang napakinabangan ng mga Ilokano ang mga programa at proyekto ng administrasyon ni Imee Marcos tungo sa pag-angat ng kanilang buhay at kabuhayan.
   
Sa pag-unlad ng Ilocos Norte, hindi nakapagtatakang kinilala at pinuri ng Superbrands Marketing International Incorporated, isang award-giving organization na tumututok sa consumer at service products, ang “commitment to public service” ni Governor Marcos sa pamamagitan ng paggawad sa kanya bilang “Most Outstanding Governorship Award” ng dalawang magkasunod na taon 2015 at 2016.
   
Dapat magpatuloy ang pagsulong at pag-unlad ng Ilocos Norte.
   
Kaya ang mga pagkilalang ito ay nagsisilbing “motivating factors” ni Imee upang makamit pa ang mga gusto niyang mangyari sa kanyang minamahal na lalawigan sa kanyang ikatlo at huling termino.
   
Mula ngayong 2016 hanggang 2019, ang pokus ni Imee ay ibayong tutok pa sa kalusugan ng senior citizens at pagtitiyak ng libreng edukasyon sa kabataan, at iba pa.
   
Sa pagbabagong magaganap sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi pahuhuli ang Ilocos Norte.
   
Sabi ng gobernadora, “Hindi tayo magpapahuli sa pagbabagong gagawin ni Presidente Duterte. Dito sa Ilocos Norte, bibigyan natin ng pansin ang mga sektor na nakakalimutan -- ang mga PWD o may kapansanan, ang mga IP o indigenous people, at ang forever minamahal, ang ating  señoritas at señoritos, ang mga senior citizen! Change is coming, at dapat hindi barya-barya ang ibibigay nating tulong sa kanila,” diin ni Governor Imee Marcos.
   
Tiniyak din niya ang mabilis na pag-unlad at mahusay na serbisyo-publiko nang sabihin niya “Paspas Dur-as, tulong a nadardaras, awan labas!” (Mabilis na pag-unlad, episiyenteng serbisyo-publiko pa sa lahat!).
   
“Intay’ itultuloy ti agdindinamag a timpuyog ni Ilocano tapno magun-od tayo iti panagdur-as!” (Ipagpatuloy natin ang pagsasakatuparan ng estilong Ilokano na pagkakaisa na Timpuyog upang makamit natin ang progreso!).
   
Mapalad ang Ilocos Norte, sa pagkakaroon nila ng anak at ina na tulad ni Governor Imee Marcos.

* * *
   
ATTY. JAY C. DE CASTRO Founder, Magkaisa Para sa Bayan, Inc. (MPB) Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
   
Website: magkaisaparasabayan.com Facebook: fb.com/magkaisaparasabayan Contact No. 0915-7799-777.
   
Please visit our website magkaisaparasabayan.com and like our Facebook page Magkaisa Para sa Bayan, Inc. and ask your family and friends to do the same.