ININTRIGA namin ang Startalk host na si Butch Fran-
cisco sa birthday party ni Sen. Jinggoy Estrada last
Saturday kung sino sa kanila ni Tim Yap ang mas magaling mag-host.
Walang kagatul-gatol na sagot ni Butch na, “Mas magaling na host si Tim kasi mas magaling siyang mag-Ingles sa akin!”
Paano nangyari ’yon, eh, mahusay naman siyang English writer, huh!
“He’s better than me!” diin ni Butch.
Sa palagay ba niya, kailangan pa ’yung segment sa tweets ng mga artista ni Tim sa talk show?
“I am not in a position to answer that! Sa iba na lang ninyo itanong! Hahaha!” iwas niya.
Eh, wala ba siyang balak sumabak sa acting dahil si Tim ay nasa Legacy?
“Basta malaki ang bayad! Hahaha! May series na ba si Tim?” tanong niya sa amin.
Ano naman ang feeling niya’t si Bibsy Carballo ang pumalit sa iniwan niyang column sa isang broadsheet?
“Tinext ko na si Bibsy. Sa kanya mo na lang alamin ang lahat ng text ko! Hahaha!” safe na sagot ni Butch.
Dahil umiinom ng cocktails si Butch, iintrigahin pa sana namin siya, pero bigla na lang siyang tumakas, huh!
* * *
BINATA na pala ang anak ni Patrick dela Rosa kay Kookoo Gonzales, female lead singer ng grupong Spirit of 67 na nag-perform sa birthday party ni Sen. Jinggoy.
Hindi nga lang daw ito kasing tangkad niya.
“Sino ba ang ama? Hahaha!” sambit ni Kookoo sa amin.
Nasaan na ba ang ama ng anak niya?
“Wala na. Nakalaya na siya. Nasa abroad na siya six months ago at ang balita ko, magpapakasal na doon,” kaswal na sagot ng singer na unang nakilala bilang artista pero ngayon ay fulfilled na bilang singer.
* * *
PARANG normal lang na tao si Executive Secretary Paquito Ochoa na dumalo sa party ni Sen. Jinggoy. Walang nakapalibot na bodyguards at naka-maong at long sleeves na polo ang suot na katabi si Senate President Juan Ponce Enrile.
Galing naman sa inagurasyon ng tatlong school sa Cavite si Congresswoman Lani Mercado na kunwari ay takut na takot kapag nilalapitan namin, huh!
Ilan pa sa mga nakisaya sa party ni Sen. Jinggoy ay sina Philip Salvador, Ricky Davao, Christopher de Leon, Tirso, Lyn Cruz and children Bodie at Djanin, Lorna Tolentino and son Renz, Ali Sotto, Bobby and Bien Andrews, Sen. Bong Revilla, Mother Lily Monteverde, Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, Sen. Loren Legarda, former President Joseph Estrada, former Sen. Loi Ejercito na sa pagiging sobrang mahiyain, hindi napilit magbigay ng birthday message sa anak sa mic at marami pang iba.
Happy, happy birthday, Sen. Jinggoy!