Lovi mum on ex-BF’s freedom


PINAPANALO ni Congressman Manny Pacquiao ang isang ginang  ng P1million sa Manny Many Prizes noong bisperas ng Pasko. 

Ibayong ligaya tuloy ang idinulot na ligaya ni Manny sa masuwerteng   ginang.

Matutupad na rin daw ang  pangarap niya sa pa-milya na mabigyan ng magandang kinabukasan dahil sa napanalunang premyo.

Naiiba ang presentation ng Manny Many Prizes last Saturday dahil halos lahat  ng sumali sa major games ng show, hindi umuwing lu-haan.    

* * *

DEFINITELY hindi susundo si  Lovi Poe sa dating na-li-link sa kanyang si  Cong. Ronald Singson na nakapiit sa Hong Kong  at ngayong January ay lalaya na.

Nasabi ni Lovi sa interview sa kanya na super- busy siya sa kanyang  trabaho this January dahil nagti-taping na siya every other day ng  bagong soap niyang Legacy, kung saan kasama niya sa billing  sina  Heart Evangelista,  Geoff Eigenmann  at  Alessandra de Rossi.

Bukod dito, may Party Pilipinas siya tuwing Sunday. At may mga natanguan pa siyang  gagawing pelikula.

Pero hindi pa rin inaamin ni Lovi kung  may kaugna-yan pa rin siya kay Ronald.

Depensa ni Lovi, private life na raw niya ‘yun at hin-di raw siya nagku-comment  tungkol sa kanyang lovelife.

Isa sa bida si Lovi sa MMFF entry na Yesterday Today Tomorrow, na produced ng Regal Films .

Unang tambalan nila rito ni Jericho Rosales at kasama rin sa cast sina  Maricel Soriano, Gabby Concepcion, Solenn Huessaff,  Paulo Avelino, Eula Caballero at  Dennis Trillo, sa direksi-yon ni Jun Lana.

* * *

NAGING super-busy si  Dingdong Dantes nitong taon dahil sunud-sunod ang naging assignments niya sa GMA7.

Nakagawa siya ng soap opera at sa huling quarter  ng 2011, naging host siya ng  Protégé. 

Dalawang pelikula ang sabay niyang ginawa, ang  Segunda Mano at  Aswang with Lovi Poe, na ire-release early next year pagkatapos i-showing sa ilang international film festivals sa abroad.

Sa interview kay Dingdong, nasabi niya na next year, kahit may soap siyang gagawin na My Beloved, pipilitin niyang makapagbakasyon abroad.

Ngayong Metro Manila Filmfest,  first team-up nila ni Kris Aquino sa  Segunda Mano,  na co-produced din nila ni Tetay.

At ngayong Pasko nag-stay lang sila sa bahay at naki-bonding sa kanyang family, gayundin sa pamil-ya ng kanyang “beloved” na si Marian.

*  *  *

NABIGO si Chuckie Dreyfus na manatili sa Survivor Philippines:Doubles Celebrity Edition at magkaroon ng chance na mapanalunan ang P3 million cash.  Na-eliminate na kasi siya last  Friday night. 

Ayon na rin kay Chuckie,  maaaring na-eliminate siya dahil sa kanyang sakit na vertigo. Sobra raw siyang pinahirapan ng kanyang sakit noong nasa isla siya.

Pursigido sana si Chuc-kie na manalo dahil gusto niyang makatulong sa hospital ng bills ng kanyang inang  may breast cancer.

Pero ganoon talaga sa Survivor, maraming factors kung bakit siya nai-eliminate.

Masaya  na rin si Chuc-kie kahit nawala na siya sa  no. 1 Kapuso reality show,  dahil siya kasi ang kauna-unahang juror sa  council na magde-determine kung sino ang mananalo at tatangha-ling ultimate winner ng show.

*  *  *

Very interesting ang episode ng   Face To Face sa TV5 ngayong Monday, hosted by Amy Perez.

Dahil ang kanilang  topic ay tungkol sa isang beki (ba-tang bakla) na nagpaturok  ng pampaganda sa isang unlicensed doctor na lalong ikinapangit nito.



Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC