Nora Aunor to return tomorrow

 

Hindi na naman matutuloy si Nora Aunor sa pagdating sa Pilipinas bukas?   ’Yan ay kung paniniwalaan ang sinabi ni Kuya Germs (German Moreno) sa kanyang radio program kahapon ng umaga at ito rin daw ang sinabi ni Albert Sunga, isa sa nag-aasikaso ng pagdating dito ng Superstar.

Pero base sa PEP Alerts ng entertainment website na PEP kahapon ng hapon, kumpirmado na raw ang pagdating ni Ate Guy bukas ng madaling-araw via PR 103.

Ang kumpirmasyon umano ay galing mismo sa Media Affairs ng NAIA.

Napabalitang uuwi si Ate Guy para gawin ang El Presidente movie with Laguna Gov. ER Ejercito.        
Gagampanan niya ang role na asawa ni Emilio Aguinaldo na dating inalok kay Batangas Governor at Star for All Seasons Vilma Santos.

Since hindi available si Ate Vi, si Ate Guy ang inalok ni ER at pumayag naman umano ang legendary singer-actress.

Kaagad daw inayos ng produksyon ang pag-uwi nito at ang report nga, bukas ito darating.

Sa isang link na ipinost ng ANC 24/7 sa Facebook kahapon ng umaga mula sa programa ni Gel Santos-Relos na Balitang Amerika, binigyan na si Ate Guy ng despedida ng ilang malalapit na kaibigan doon kabilang ang aktor na si Raoul Aragon, movie writer Cora Pastrana at beautician na si Monet Lu.

Siniguro rin ng Superstar ang kanyang pag-uwi at paggawa ng ilang project sa bansa.

Ang pag-uwi raw niya ay para rin sa kanyang mga kapatid at mga anak.

Ilang beses nang napabalita ang pag-uwi ng Superstar, pero lagi na lang itong hindi natutuloy.

Ang nakakatuwa lang, everytime may ganitong balita, laging umaasa ang kanyang fans at talagang hinihintay pa rin ang kanyang pagbabalik.

* * *

Ayaw pang kumpirmahin ni John Lloyd Cruz kung ano ang susunod niyang project — movie ba with Angel Locsin o sequel ng You Changed My Life with Sarah Geronimo?

May balita kasing hindi na matutuloy ang John Lloyd-Angel movie at ito ngang balik-tambalan nila ni Sarah ang ipinalit.

Pero ayon kay Lloydie sa isang panayam, wala pa raw kumpirmasyon ang mga pelikulang ito pero pareho niyang gustong matuloy.

Say ng aktor, excited siyang gawin ang mga naturang proyekto pero ipinauubaya niya sa Star Cinema ang desisyon kung sino ang makakapareha niya sa susunod na project.

Ang Star Cinema raw ang nakakaalam kung ano  ang next project niya at kung ano ang sabihin sa kanya, ’yun ang gagawin niya.

* * *

Bongga talaga ang Mocha Girls dahil makakasama nila sa show si Jennifer Lopez (J-Lo) at si Pitbull sa September sa Dubai.

Ang importante sa international show, hindi ’yung gaano ka kasikat sa Pilipinas kundi kung gaano ka kagaling.

Kasama nila ang Southborder at magtatanghal sila sa Meydan Dubai kung saan nag-concert na rin ang mga sikat na international singer at performer  tulad ni Elton John, ang Santana, si Sting, atbp.

Masayang-masaya ang Mocha Girls sa magandang pagkakataon na dumating sa kanila at makasama ang mga international singer.

Ayon kay Mocha, ito ang biggest event of the year ng Dubai. Nag-survey daw ang producers sa Filipino community roon kung sino ang gustong Filipino artists at sila ng Southborder ang isinagot ng mga tao.

“Nakakataba ng puso. Pero ’di lang ’yun, the boss made their own research sa mga foreigner kasi they don’t just rely if you are famous but they really want quality performance na makakasabay nina J-Lo at Pitbull,” sey ni Mocha Uson.



Showbiz News

Derek, a Casanova?

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 87
By : Charlie Lozo

USAP-usapan ngayon ang pagiging babaero ng guwapong aktor na si Derek Ramsay. Kung dati-rati, pa-blind item siyang nasusulat sa ginagawa niyang pambababae, ngayon, hayagan nang binabanggit ang kanyang pangalan. Tsismis nga sa amin ng isang malapit na kaibigan ni Derek, noong araw pa raw matinik sa chicks ang actor. Kung... Read more

Carmina's twins do not know BB

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 81
By : Vinia Vivar

First teleserye ni Carmina Villarroel sa ABS-CBN ang Lorenzo’s Time with Zaijian Jaranilla and Diether Ocampo na iere sa primetime slot once na magtapos na ang Budoy. Proud and happy si Mina na primetime agad ang ibinigay sa kanya plus kasama pa niya ang child superstar na first time niyang... Read more

'The Road' to be shown abroad

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 69
By : Jun Nardo

JACKPOT ang GMA Films sa horror movie nilang The Road dahil nagustuhan ito ng international film distribution outfit na Freestyle Releasing kaya naman mapapanood ito sa 50 sinehan sa buong Amerika at Canada simula sa Mayo 11.        Take note na hindi sa mga pipitsuging sinehan ipalalabas ang Yam... Read more

Rufa Mae still to the highest level

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 70
By : People's Journal

EVEN after 18 years in showbusiness, Rufa Mae Quinto has not lost her passion in moving forward and exploring new things. She is still one of the busiest stars around with two shows on GMA7, the  long-running “Showbiz Central” and “Bubble Gang.” She was also on the highly successful “Daldalita”... Read more

They both think the other one is special

Published : Thursday February 23, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 75
By : Aster Amoyo

WALA mang tahasang pag-amin mula kay Gerald Anderson tungkol sa estado ng kanilang relasyon ng pop princess na si Sarah Geronimo, inamin ng ex-boyfriend ni Kim Chiu na espesyal sa kanya si Sarah G. at gusto niya itong makilala pa nang husto.  Hindi man sila solo nung nakaraang Valentine’s day... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC