Richard needs dutch courage to bare behind


“I’m committed to Sarah (Lahbati).” Pahayag ni Richard Gutierrez sa presscon ng Seduction, karugtong ng sagot niya sa tanong kung ’di ba nag-selos ang GF sa maiinit na eksena nila ni Solenn Heussaff sa Regal Entertainment movie.    

“But as an actor, if you need to portray a role, you have to do it, hindi naman siya nagselos, medyo lang,” wika ni Richard.

Inamin din ni Richard na nagpapa-seduced siya dati. “Oo na-experience ko na ang ma-seduced at may mga nagtagumpay. Dati kasi pagdating sa mga bagay na ’yan, marupok ako, madali akong bumigay, pero ngayon hindi na,” sabi nito.

Bawal magtanong ng isyu ni Sarah with GMA Artist Center and GMA Network, pero umaasa pa rin si Richard na ma-promote nang maayos ang pelikulang showing sa January 30.

Sa Sunday sa Party Pilipinas  sisimulan ang TV promo ng movie  na directorial comeback ni Direk Peque Gallaga.

Si Direk Peque ang sumagot sa tanong kung may butt exposure si Richard sa movie at binuking din na whole day uminom ang aktor bago kunan ang eksena.

To date, si Richard lang ang pinayagan niyang uminom sa set dahil kahit si FPJ na nadirek niya sa TVC, hindi niya pinayagang uminom.Takot daw si Richard sa eksena dahil kakaiba at first time nito gagawin and Annabelle Rama was against it.

Bago tapusin ang presscon, binanggit ni Jun Lalin na sa Jan. 18, bago ang Jan. 21 birthday ni Richard, may special announcement na sasabihin ang aktor. Kanya-kanyang hula ang press na baka ang pagpapakasal nina Richard at Sarah ang ipahahayag.

Bakit  ang feeling namin tungkol sa kontrata ni Richard sa GMA Films ang sinasabi nitong sorpresa? Minsang na-tweet ni Annabelle Rama na malapit nang maging freelancer ang anak at makakagawa na ng pelikula sa ibang production.

Samantala, ayon kay Direk Peque Gallaga, four hours ang haba ng pelikula at hindi pa niya alam kung paano ito ii-edit at nanghihinayang siya na maraming maka-cut sa mga eksena.

* * *

Ang Forever na muling pinagtatambalan nina Geoff Eigenmann at Heart Evangelista ang papalit sa Magdalena, pero hindi sa time slot ng soap ni Bela Padilla ito ilalagay.

Bababa ang time slot ng afternoon prime ng GMA-7. After Eat Bulaga  ang time slot ng Forever  at ang Sana Ay Ikaw Na Nga  ang papalit sa Magdalena.

Maganda at very interesting ang teaser ng Forever  na magsisimula ang airing sa January 21 sa direction ni Ricky Davao.

Ang ganda noong eksenang biglang naging si Heart si Gloria Romero. Mala-Somewhere In Time  raw ang tema ng soap, kaya may mga special effects.

Bukod kina Geoff, Heart at Gloria, kasama rin sa cast sina Isabel Oli, Marc Abaya, Candy Pangilinan, Saab Magalona, Gian Magdangal at marami pang iba.

In fairness, walang isyu na inayawan ni Heart ang afternoon time slot.

Sa presscon ng Forever, masasagot ni Heart ang nabanggit ng BF niyang si Sen. Chiz Escudero na hindi siya gagamitin sa kampanya nito kahit sa TV. Ayaw ni Chiz na kung mananalo siya uli, sabihing dahil ’yun sa GF niyang sikat na artista.

* * *

Hindi itinatago ni Ritz Azul ang paghanga kay Derek Ramsay, leading man niya sa Kidlat. Dream come true sa kan-ya ang makapareha ang aktor.

Kaya nang sabihin sa kanyang ito ang makakatambal sa superhero drama, may kasamang kilig ang kabang naramdaman niya.

Nanginig siya sa kaba at kinausap si Direk Mike Tuviera dahil hindi makapaniwalang mapapasama sa cast sa isa sa mga biggest projects ng TV5 at makasabay ang magagaling na artista.

Aminado rin si Ritz na kinilig siya sa ganda ng katawan ni Derek at naramdaman niya ang toned body nito, nahawakan ang abs sa eksenang kinarga siya nito. “Na-feel ko ang muscles niya, hindi maiwasan ’yun,” wika ni Ritz.

Ayaw patulan ni Ritz ang isyung  nagtatampo si Nadine Samonte dahil mas focus sa kanya ang publicity ng Kidlat  at lumalabas na kontrabida at support lang si Nadine kaya wala sa presscon. Ang alam ni Ritz, masaya silang lahat sa taping at walang inggitan at walang nagrereklamo.

* * *

Sa Temptation of Wife, panalo ang pagiging Chantal ni Marian Rivera, nadagdagan ang viewership ng soap at tinitingnan kung paano makakapaghiganti si Angeline sa mga umapi sa kanya.

Nagkagulo na naman ang fans ng aktres sa muli nitong pagbi-bikini sa Monday episode.

Alam na ng pamilya ni Angeline na buhay siya at suportado nila ang paghihiganti nito sa mga Salcedo. Nag-abot sa isang resto sina Angeline, Nigel (Rafael Rosell), Heidi (Glaiza de Castro) at Marcel (Dennis Trillo), magpapasikat si Heidi, mag-o-order ng French food, pero mapapahiya dahil Spanish resto ang pinasukan nila. Mapapahiya ito kay Angeline na fluent sa Spanish.

Muntik ding maabutan ni Heidi sina Marcel at Chantal sa  men’s room, buti nakapagtago sa cublcle si Chantal, pero nakuha nito ang car keys ni Marcel.



Showbiz News

Eula has a secret bf?

Published : Wednesday May 22, 2013   |  Category : Showbiz   |  Views : 611
By : Joey Aquino

THE first grand winner of TV5’s Star Factor Eula Caballero seems to enjoy her being of the Kapatid network’s princesses. From one project after the other, the network gambles on her. No doubt, she has all the qualities of a true star. She is beautiful and talented. The Cebuana actress... Read more

Willie not renewing contract with TV5, sets last show on October 12

Published : Wednesday May 22, 2013   |  Category : Showbiz   |  Views : 1333
By : Eugene E. Asis

“PARA wala nang news, sasabihin ko na, sumulat na po ako kay MVP (Manny V. Pangilinan, TV5’s top honcho) at nagpaalam na magbabakasyon,” controversial TV host Willie Revillame declared on his show, Wowowillie yesterday. “Sumagot na po sila at mukhang pinayagan naman ako.” Earlier in the show, he hinted about... Read more

Megan 'leaves' ABS for lack of project

Published : Wednesday May 22, 2013   |  Category : Showbiz   |  Views : 1631
By : Mario Bautista

Megan 'leaves' ABS for lack of project

MEGAN Young was discovered by GMA7 via Starstruck. She moved to ABS-CBN, while her younger sister Lauren Young moved from ABS to GMA7 and now stars in “Mundo Mo’y Akin.” Megan, in turn, moved again. This time to TV5. She first did “Never Say Goodbye” with them. Now, she’s all... Read more

Ai Ai better than Britney

Published : Wednesday May 22, 2013   |  Category : Showbiz   |  Views : 960
By : Bong de Leon

IT would take sometime for people to stop speculating on what really happened to Ai Ai de las Alas and husband Jed Salang. Such a  short- lived relationship, but longer than Britney Spears’ marriage to her ex-husband, Jason Alexander, which lasted only a day. It has been reported that... Read more

Suspenseful 'PGT' finale week

Published : Wednesday May 22, 2013   |  Category : Showbiz   |  Views : 565
By : Remy Umerez

WE are a country booming with talents as evidenced by the contestants joining Pilipinas Got Talent. The search is now on its finale week where a lucky finalist will go home richer by two million pesos. Last Sunday, the three grand finalists have been chosen and one feels the excitement... Read more

Loading Google Custom Search...
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC