5,788 guests

Iya at Drew, papetiks-petiks lang sa ‘People vs. The Stars’

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 365

Nagsimula na nu’ng Jan. 15 ang Sunday afternoon comedy game show ng GMA-7 na People vs. The Stars.

Sa programa, may chance ang celebrity to win P200, 000 kapag nasagot nila ang walong mind-boggling questions with respective cash values. If the stars fail to answer any of the questions correctly, the question’s cash value will be given to the televiewers by answering the “People Question of the Week” through text.
   
Ang tandem ng multi-talented celebrity power-couple na sina Drew Arellano and Iya Villania-Arellano ang host ng People vs. Stars.
   
Bilang  first time mom, Iya shares that she considers this show as her leisure whenever she is not with her son, Primo.
   
“Actually, this is the first time I will be hosting this kind of show na makulit and entertaining. Natutuwa ako kasi I consider this my rest whenever I am not on my ‘mommy duties’ kay Primo kasi nakakatawa lang talaga dito. It’s as if I don’t work. Plus kasama ko pa asawa ko, so yung fun talaga nandoon,” sabi pa niya.
   
On the other hand, Drew is equally excited working with her wife for this game show.
   
“Excited ako kasi iba itong show na ito for us kasi more enjoyable and light environment. Hindi siya yung acting like sa mga shows namin 10 years ago. Dito mas makikita nila kung sino kami inside our house, ganun lang talaga,” sambit naman niya.
   
Napapanood ang People vs. The Stars every Sunday at 5-6 p.m.